BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, September 4, 2010

Talking about Siblings. :S

Bakit pa ba ako nagkaroon ng mga kapatid? Okay sana kung yung isa lang. Pero mas okay kung wala akong kapatid.

Pano naman kasi, sa lahat ng bagay dito sa bahay meron akong kahati. Ang pinaka-ayoko yung may kahati sa mga damit at sapatos. Porket ba hindi lang nag-paalam? Paano kaya ako makakapag-paalam sa may taong may ari kung wala naman sha sa bahay at wala naman akong load, diba?!

Ugh! Nakakaasar. Bakit pa kasi ako nagkaroon ng kapatid. Kung only child lang ako, panigurado, mayaman kami, tapos si Papa hindi na kailangan mag-work sa ibang bansa kasi nag-iisa lang naman akong papakainin niya. Tapos si Mama lagi kong kasama kasi hindi niya ako kailangan i-pasa sa mga kapatid ko. Hay, nako.

Here's the deal, hindi na ako manghihiram ng gamit sayo. Kung gamit mo yun, damit, sapatos, accessories or whatever. Hindi ko yun hihiramin. At hindi na rin kita papahiramin ng mga gamit ko. Humanda ka sa'kin. At pag ako yumaman, hindi ako magsh-share sayo ng kahit ano. [-(

0 comments: