BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 9, 2010

No Classes!

Yes! Walang Pasok! Nakapag-puyat ako at late na din gumising. At pwede pang mag-lakwacha. :))

Dapat talaga sasama na ako sa house ni Alyssa. We're gonna Volleyball and Badminton daw. Kaso naisip ko si Johann. Celebration niya kasi ng birthday niya later at 6 pm. Eh sabi sa akin ni Mikka na inaasahan daw kami ni Johann sa party niya. So naisipan kong pumunta na lang kay Johann instead na pumunta kay Alyssa.

Si Johann kasi close ko talaga. Chaka para naman sa birthday niya. Minsan lang yun. Eh sila Alyssa naman pwede kong kasama sa lakwacha kahit kailan tapos nagkikita-kita naman kami araw-araw. Nakaka-guilty naman kasi kung wala kami sa party niya.

Sabi nga ni mama, mamili lang daw ako ng isa na gusto kong puntahan. Pinahirapan pa nga ako eh. So, pinayagan naman niya ako kila Johann. Tutal after ballet ko later, derecho na kami kila Johann. Maiintindihan naman siguro ako nila Crystalline. Chaka sinigurado naman ni mama na hindi ako mao-OP sa bahay nila Johann kasi nandun naman sila Mikka chaka sila Nina.

So, buong hapon, baka puro blog lang ako. And sana wala yung mga kapatid ko mamaya. :)


L!

0 comments: