September 10, 2010, Friday
In ballet, si mama nag-hatid sa akin. Pero on the way to HCSB, sabi niya titignan niya daw muna yung house nila Johann tapos i-tetext niya sa amin kung saan.
After ballet, kuya ko sumundo sa akin. Tinext na din sa kanya kung saan yung bahay nila Johann. Kuya ko din nag-hatid sa akin doon.
Pag-dating namin doon, ang liwanag ng bahay nila. Kitang-kita mula sa labas. Eh, nakaka-hinayang pumasok kasi puro matatanda yung malapit sa gate. Tumambay muna kami ng kuya ko sa may puno tapos sumisilip ako sa loob. May nakita ako na lalaki na naka-black na parang naka-taas yung buhok. No doubt. Siya na yun. Tapos tinext ko si Johann na nasa labas ako ng bahay nila. Pag-pasok ko, inintroduce ako ni Johann sa mommy niya and sa mga kamag-anak. Shempre nagpaka-anghel ako, diba? :))
Nakita ko si Mikka, nakaupo sa pangalawa nilang dining table. Gustong-gusto na daw umuwi ni Mikka. Sobrang OP din kasi siya eh. Tapos tatanungin pa daw sa kanya ni Johann kung OP siya. Kamusta naman yun diba? Si Carlos din nandun chaka si Sebo.
Nag-pahinga muna ako ng saglit. Hindi ako kumain kaagad. Tapos niyaya ako ni Mikka na lumabas. Nasa labas na rin nun sila Rosmin tapos pati si Sebo. Nagkekwentuhan lang kaming tatlo ni Mikka at Carlos. Si Sebo, nilapitan ako, inakbayan...
Sebo: Kamusta naman tayo dyan? Di ka naman sasabog niyan?
( Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. )
Ako: Ay, shet. Hahaha. Hindi pa naman.
( Kasi Ang suot ko nun, Violet shirt, Violet bag, Black Pants and Violet Shoes. )
Tinuloy namin ang kwentuhan namin ni Mikka. Nakita ko si Carlos at Sebo sa likod ni Mikka na ginagawa ang Masinop Move. ( Yung ginaya nila Kathy at Jem sa Tekken. ) Tapos natawa ako kasi nakakatawa din yung muka nilang dalawa. :))
Tapos nilapitan ako ni Sebo...
Sebo: Laura, tignan mo yung tibo dun sa loob. Kamukha ni Lloyd.
Ako: Huh? Saan?
( Sabay tingin dun sa sinasabi niya. )
Sebo: Kung nandito si Crystalline, mai-inlove yun lalo kay lloyd. :)))))
Ako: Hahaha! Gago. :))
Sebo: Diba kamukha ni Lloyd? :))
Ako: Hahaha! Onga noh. May hawig.
Sebo: Tibo version ni Lloyd. :))
Ako: Hahahaha!
Tangna, ang kulit ni Sebo nung time na yan. Ang kulit din ng tawa. Siya na yata yung nai-inlove kay Lloyd eh. Pa-ulit-ulet! :))))))))))
Maya-maya, pinapasok kami ni Johann. Tas dun kami sa mahabang table na nasa parang garden na may tent. Eto na din yung time na katext ko si Crystalline. :)) Kwentuhan lang ulit kasama yung ibang boys.
Sebo: Let's talk about...
Fritz: SEX!
Sebo: Whut?! I beg your pardon?! =))))))))))))))))))))
After nun, may nakita akong dog cage.
Ako: Johann? May aso kayo?
Johann: Ha? Oo.
Ako: Asaan?
Johann: Andoon.
Ako: Anong ano? Anong...
Johann: Ahh, German Shepherd.
Ako: Ha? Asan? Tignan natin, sige na.
Johann: Ha? Sige, tara.
Ang ganda-ganda ng dog nila. Shempre, German Shepherd eh. :))
Tabby yung pangalan. Babae tapos matanda na rin. Napa-amo ko kaagad. Amoy Bruno din kasi ako eh. :)))
Thank You to Mikka's Phone with flash because Tabby's place was so dark.
Tapos bumalik ulit kami sa table. Nagpa-kuha ako kay Carlos ng Iced Tea na akala ko may halong something. Yun pala Strawberry Flavor lang. :)))))
After that, tinour kami ni Johann sa bahay nila na soooooooper laki. As in. Ang ganda, kaso halos lahat ng lugar tinatambakan na lang. :(
Paikot-ikot lang kami sa bahay nila tapos maya-maya kumain na kami ni Mikka ng Lasagna. Nakakaloko nga eh. Ang dami kong nakuha. Tapos yung kinuha ni Mikka, mas marami pa sa kinuha ko. Gutom? :))))) Nung naubos ko nga yun kumuha ulit ako eh. Kasi gutom talaga ako nun. Tapos nag-lalasingan lang kami sa coke. Haha!
After namin kumain, yung mga boys na nasa labas kanina jumoin sa amin. Including HIM. Ganun pa din. Walang pansinan. :|
Matapos namin kumain, naglibot-libot ulit kami kaso nakakatakot sa bahay nila eh. Kaya dun lang kami nag-stay sa harap ni Tabby. Maya-maya, iniwan ko muna sila Mikka at Johann. Binigay ko muna sila ng privacy. Tapos mag-isa lang muna ako sa may tent kasi kailangan ko din mapag-isa nung time na yun. Nung bumalik ako kay Tabby, wala na dun sila Mikka at Johann. Hala. Feel ko nga may ginawa na yun eh. Tapos sumilip ako sa labas. Nakita ko si Carlos tas nakita niya din ako. Sinabi ko sa kanya na nawawala sila Mikka at Johann. Hinanap namin sa mga kwarto pero hindi namin nakita. Dinala ko si Carlos malapit kay Tabby kung saan ko sila iniwan. Pag-tingin namin sa may sala, nandun na pala sila Mikka. Ang hirap makipag-taguan sa bahay na yun. :))))
Edi, dun ulit kami sa may tent tapos nag-charge muna ako ng phone using Mikka's charger. Tapos tumingin kami sa may parang Garage Sale sa tabi ng house nila Johann na kanila yung Garage Sale.
Eto na, pag-dating nung mga pinsan niya...
Paco: Sila ba yung mga classmates mo?
Johann: Ay, oo nga pala. Paco, si Mikka. Mikka si Paco.
Mikka: Hi. :)
Paco: Hi. :)
Johann: Carlos, si Paco, Paco si Carlos.
Carlos: Hi. :)
Paco: Hi. :)
Johann: Laura si Paco, Paco si Laura.
Ako: Hi. :"""""">>>>
Paco: Hi. :)
Nung tinitigan ko yung pinsan niya. Feeling ko may heart na yung mga mata ko. Si Paco pa naman yung mga tipo ko ng lalaki when it comes to physical appearance. :">
Pagtapos nun, kwentuhan ulit sa may tent. Habang yung ibang boys pinaglalaruan yung tubig na nanggaling sa ice...
Rubiano: Johann!
Johann: Oh?
Rubiano: Ano?
Johann: Ha?
Rubiano: Baket?
Johann: Ano?
Rubiano: Saan?
Johann: Ha?!
Whatta converstaion! Makes sense?! =))))))))))))))))))))))))))))))))
Nung nagch-charge pa rin yung phone ko, biglang nag-text si mama and tinanong kung magpapa-sundo na daw ba ako. Tapos sabi ko maya-maya muna. Nag-reply sha na kuya ko na lang daw ulit ang susundo sa akin. Tapos nag-text yung kuya ko. I-tetext niya daw ako pag nasa labas na sha ng bahay nila Johann.
After that, nandun lang ulit kami sa may tent. Tapos biglang naki-join sa amin yung tito/pinsan ni Johann. Tapos naki-join din yung pinsan niyang si Gian. Tapos jumoin din si Paco. Pero malayo. :">
Maya-maya, nag text na yung kuya ko, nandun na daw sha. Aw, it's time to go. Bago ako umalis, nag-paalam muna ako kay Tabby. Then when I said, " Bye po." to Gian, sabi niya, "Huwag mo na ko i-po." Tas nag-bye na rin ako kay Paco, tapos nag-smile lang siya. OMG! :">
Before I left, I asked Johann what school si Paco, then he said Ateneo. OMG!!! :">>>>>>>>>
Pag-uwi ko, wala pa si mama. Then nung pag-uwi ni mama, nag-kwento ako about Paco. When I told her that Paco is studying at Ateneo, my mom said, "Oh My Gosh! Rich ito!" Tawang tawa ako nung sinabi niya yun. Kasi shempre diba, Ateneo lang naman nag-aaral. Shempre expected na yun, diba.
Anyway, I had so much fun. Especially because Paco is there. Haha! I have a new inspiration na. :""""">>>>
Acknowledgement to:
Johann Gabriel Villarino
Andrei Villarino
Franz Villarino
Mikkaella Charisse Caronan
Carlos Antonio Albornoz
Sebastian Sajona
&
Paco Jeanfranco Achacoso. :">
L!