1st Period - P.E.
Masaya na kabado. Nag-practical test na din kasi kami. About sa Fundamental Dance na kailangan sayawin with music din. Binigyan muna kami ni Madam Ng ng ilang minuto para mag-practice with the Music. Ang ginawa namin, 2 sets combination of arms, 2 sets combination of feet tapos 2 sets combination of arms and feet.
Nakaka-kaba talaga. Kasi by 4 kami tinawag RANDOMLY. Tapos yung position ng apat na students na matatawag, parang naka-cross na formation pero magkaka-talikod. Natawag kami ni Crystalline na pang-2nd set ata. So, okay naman yung performance ko. And nung tinanong ko kayla Angeli kung tama ba yung ginawa ko, and okay naman daw. Sabi nga nila baka maka-perfect pa ko. Pero sana mataas na grade pa rin ang makuha ko. :)
After ng practical test #1, sabi ni Madam ihahabol daw namin gawin yung practical test #2. Binigay niya sa amin yung instructions na in every group dapat may 6 members. Then ang groupmates ko ay si Crystalline, Ira, Care, Sherr and Jacob. Kailangan daw namin gumawa ng sayaw that consists of the Foreign Steps. So parang ako na rin yung naging leader-leaderan. SInulat na ni Crystalline yung name namin sa 1/4 sheet chaka yung steps sa likod. Tapos ako na rin yung nag-sabi ng steps. Eh, bigla nang nag-bell. So sabi ni madam, next week na lang daw namin ituloy yung practical test #2. :)
2nd Period - Filipino
Ayun, binasa lang namin yung story na " Usok na Mapusok " blah, blah. Hindi ako sure kung ano yun kasi hindi ko naman sinusundan yung pag-babasa ng mga kaklase ko eh. Ginawa ko na agad sa papel yung formation and yung steps para sa P.E.
Recess Time
Nag-hintay kami ng mga 10 minutes sa kiosk ni Crystalline. Kami kasi yung laging nauuna dun eh. Tapos nainip kami. Naisipan namin tignan yung schedule ng mga evaluators. Pag-tingin namin, grabe! Dapat pala may evaluation ako nung Monday and kahapon sa Maagap. Tapos kaka-kita ko lang. Pati bukas may evaluation ako sa Maagap. :O
Reading Time
Ayun, si Sr. Ceraon nag-bantay sa amin. Tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas yung babasahin. Tapos collage naman yung output. Kung ano-ano lang dinrawing ko. I mean, nag-padrawing pala ako kay Raphael. :))
3rd Period - English
Hmm.. We talked about Verbals. Nag-notes ako. Nag-seatwork kami. Yun lang. :))
4th Period - Music
Si Sr. Agravante na ulit teacher namin pero siguro yun na ang last time. Free time lang naman kami eh. Kakwentuhan namin si Sr. tapos kasama din si Seb, Raph and Rick. Nag-jamming kami ng Magbalaik by Callalily. Tapos kami ni Rick yung kumakanta. Beatbox din sha sa teacher's table. Si Seb yung sa strumming. Si Sr naman yung sa plucking. Si Raph, medyo second voice. Hahaha! Ang saya nga eh. Kanya-kanyang trip. May mga natutulog, may grupo sa likod namin na pinaka-maingay. Tapos may mga nakikipag-usap din na tahimik. :))
Lunch Time
Kain pa rin sa Immaculate Concepcion Building, tapos balik sa classroom para ibalik ang mga baunan. Tapos bumili kami ni Alexis sa Madonna Canteen habang nasa IC Lobby pa yung iba. Tapos sinundo namin sila. Tapos nag-centro kami kasi walang cottage. Tapos food trip ulit ng Mini Bites. Na-badtrip lang kasi nao-OP ako. :S
5th period - Math
May bago kaming lesson about Triangles tapos nagpa-assignment si Sr. sa amin.
After Math
Na-discover ni Crystalline na hindi pala pinirmahan ni Sr. Diaz yung Beadle Slip and Cleanliness Form. Hay nako! Edi hinanap namin siya sa Faculty room sa 3rd Floor, sa second floor and sa floor namin. Nung tinignan namin sa Mapamaraan, hindi namin makita kung sino yung teacher pero sure naman kami na may teacher kasi nag-pray na sila. Tapos lahat sila, naka-tayo pa. Hindi talaga namin makita kung sino yung teacher nila. Nung may yumuko na nasa harap, si Madam Ching pala yung teacher nila! Edi tawa kami ng tawa ni Crystalline kasi kaya pala hindi namin nakita yung teacher nila kasi maliit si Madam Ching. :)) Hanggang sa pagpasok namin ni Crystalline sa classroom namin, tumatawa pa rin kami. Pinagtitinginan nga kami nung iba eh. HAHAHA! =))
6th Period - C.L.
Grabe, after 2 minutes siguro yun pag pasok ni Madam Uy sa classroom, nag-walk out nanaman siya. As in dala niya yung bag niya. Nagulat nga kami pag-labas niya eh. Tapos nung pumasok ulit siya, sabi niya sa amin, " Ano, magma-math pa kayo? " Tapos tuluy-tuloy na. Puro sermon na lang. 1 hour na sermon lang. Badtrip nga eh, galit na galit pa rin siya sa amin. :(
7th Period - Chemistry
Sa Viewing Room kami. Then alam namin na may quiz. Kaso lang, wala akong Periodic Table. Hindi pa kasi ako nakaka-bili eh. Bawala naman mang-hiram kaya hindi ko na lang sinagutan yung mga hindi kaya. Pero nasagutan ko yung Number of Protons, Electrons and Atomic Number nung isa sa mga yan ay given.
Dismissal Time
OP ulit kaya hindi na lang ako nag-sasalita tapos umalis na din ako kaagad.
Pumunta ako sa main canteen para mag-shopping ng school supplies. Shopping? Mall? :))))))) Bumili ako ng Longpad, 1/2 crosswise and Periodic Table of Elements.
Nung nasa bus naman, nandun nanaman yung mayabang. Alam na siguro niya na ayaw namin sa kanya. Tapos kumpleto na kami sa likod, Jorelle, Ako, Cy, and Alex. Nasa harap namin ni Jorelle yung mga gamit naming apat. Sa harap ni Cy at Alex, si Danielle at siya. Nung malapit na sa bahay ko, binatukan ni Danielle si Mayabang. Eh katabi ni Mayabang yung poste ng bus. Pagka-batok sa kanya ni Danielle, iiwasan niya sana sabay nauntog siya dun sa poste. Tapos kaming apat, nag-tawanan ng tahimik pati si Danielle. =)))))))))))
Karma niya siguro yun. Ang yabang-yabang niya kasi. Pinagmamalaki niya yung mga kwento niya na walang silbi. Amp!
5 pm onwards
Pag-uwi ko, hindi na ako kumain. Sa bus na ako kumakain ng meryenda para pag-uwi, tinatapos ko na agad yung mga kailangan para sa school kinabukasan. Ginawa ko yung assignment sa Chem na talagang hinanap ko sa book yung answers. Yung assignment sa Math na pencil muna ang ginamit ko para madaling kumopya kinabukasan. Tapos nag-notes din ako sa Filipino kasi wala akong masyadong alam sa Pagdulog at Pananalig eh.
Ayun, maaga kami natapos mag-dinner kaya maaga din nakatulog. :)
0 comments:
Post a Comment