BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 7, 2010

Hot Day!

Inaasahan naming lahat sa Masinop na Original room kami. Kasi Tuesday naman eh. Pero nung papasok na kami sa Room 101, nandun yung Mapagtimpi. Shocks, hindi kami sa aircon. Eh nag-dala pa naman ako ng bagong labang jacket. Naks! :)) Natanggap na namin na hindi kami sa aircon eh. Pero habang tumatagal, over! Super init! Tapos yung mga teacher namin, sabi nila wala daw electricity sa kabilang building, sa MIB. Edi na-imagine namin na mas mainit pa sa kanila kasi walang aircon. Tapos may tubig na daw sa floor. Mas kadiri. Edi blessed pa rin kami kasi kung mapupunta kami sa Aircon room, para na rin kaming nasa SJB. So parang mas malamig din sa classroom kung nasaan kami. Heehee. c:

Ayun, nagsuot pa rin kami ng P.E. uniform. Mas dumami kami ngayon na naka-P.E. Kami ni Crystalline, si Kim, Honney at Angeli. Pero naka-maong pants si Angeli.


Hmm.. Wala naman mashadong nangyari ngayong araw na ito. Nung lunch, kumain ulit kami ni Alyssa ng Mini Bites. Nag-quiz kami sa Math na sana pumasa ako. Nag-quiz din kami sa A.P. na pumasa naman ako kahit papaano. Meron na nga pala akong book sa A.P. Pina-photocopy ni mama sa U.P. yung book ni Crystalline. Ang ganda nga eh. Parang mas maganda pa yung book ko kaysa sa original na book. Haha. Hihiram nga ako ng C.L. book para ipapa-photocopy din ni mama sa U.P. Pero hindi na ako kay Crystalline manghihiram, dun na lang sa mga kaklase ko na hindi naman nag-aaral. Hahaha. Tapos yung activity sa Computer kahapon na hindi ko nagawa, kanina ko ginawa at pina-check. Shempre, perfect score pa din. Tapos yung activity naman kanina yung hindi ko nagawa. :))


Ayun, may binili na camera ate ko. As in, camera namin. Digital shempre. Kasi may camera kami pero yung SLR na analogue chaka lumang-lumang camera na underwater pero ginagamitan ng film. Haha! :))


Actually, may assignment sa Chemistry. Kaso iba yung given kaysa sa ginawang example. Eh hindi ako sure kung paano makuha yung sagot. Kaya mangongopya na lang ako.


May ish-share pala akong conversation kaninang A.P. time habang nagch-check ng test papers.
Kathy: Madam! Paano po pag yung spelling ng Archbishops may "E" sa likod?
( Nag-tawanan yung iba. )
Ako: Sa likod?!
( Si Kathy, tinitigan ako na parang nagtataka. )
Ako: Sa huli!
Kathy: Ay, madam! Sa huli pala. Hindi sa likod! :))
( Sila Sebo, patuloy pa rin sa pag-tawa. Bumenta?! =)) )

Yun lang. :))))))

0 comments: