BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 14, 2010

Laughtrips. =))

September 14, 2010, Tuesday

Umaga pa lang, medyo badtrip na. Late kasi ako nagising ng 20 minutes. Tapos sinermonan agad ako ng nanay ko. Sige na, ako na! [-(
PE uniform suot namin ni Crystalline. Haha. Tapos Original Room kami kaya masaya.
Pag-pasok pa lang ng classroom, kumopya na agad ako ng assignment sa Math. Haha. Si Dumas pa nga yung na-kopyahan ko eh.

1st Period - Chemistry
Grabe! Ang aga-aga, ang init na agad ng ulo ni Sr. Kasi yung iba nalilito. Tapos naasar siya kasi hindi pa agad sinabi dati pa na nalilito sila. Kaya bumalik kami sa lumang topic namin. Ayun. Buti na lang hindi ako natawag kanina. Nakaka-kaba kasi eh. Haha!

2nd Period - AP
Medyo nahimasmasan na kami sa AP. Kaso sumobra. Ang ingay ng mga classmates ko. Ang ganda nga ng topic namin eh. Kristiyanismo vs. Islam. Kaso lang, napag-usapan yung tinutuli yung mga babae sa India ata? Basta may pina-nood kami nung 2nd Year na pinapakita talaga kung paano yung proseso na yun. Si Sr. Abellera pa nga yung nagpa-panood sa amin nun eh. Tapos sobrang nakaka-diri. As in, bata pa lang ginagawa na yun. Tapos kahit ayaw nung parents and nung bata, pipilitin talaga. Tapos blade pa yung gamit. Eww! Tapos wala daw anesthesia yun. Yung purpose daw nun ay para daw hindi na dumami yung population sa India. Isipin mo naman diba, ang dami ng population dun.

Recess Time
Bago mag-time, si Robb, pumunta sa section namin. Nakalimutan ko na yung sabi niya. Tapos pinuntahan namin si Lloyd at kinausap. Ang kulit nga eh.
Crystalline: Anong pinag-usapan niyo ni Alexis?
Lloyd: Stars.
What the hell, diba? Natakot nga sa akin eh. Kasi tinatarayan ko para umamin. Hahaha! :))
Bago kami bumalik ni Crystalline sa classroom, nakasalubong namin si Sr. Ceraon. Tapos binigay niya kay Crystalline yung Permit para sa pag-punta namin sa Kapamilya Warehouse sa Thursday.

3rd Period - Math
Okay, ang saya ko! Binigay na kasi yung results ng quiz. Pasado ako!!! 13 over 20. Okay na yun sa akin no. Atleast pasado. Haha! Thank You, Lord. :)

4th Period - English
Ayun, pinakopya lang sa amin ni Madam yung Steps on how to Make a Research Paper. Tapos nagalit din kasi konti na nga lang kami tapos ang ingay pa. Sigawan pa ng sigawan. Kanta pa ng kanta ng malakas. Haha.
Malapit na mag-time...
Jeanine: Are you ready to pray classmates?
( Biglang tumunog yung bell para sa Angelus. )
Jeanine: Oh, ayan na yung dasal na hinanda ko para sa inyo. :))
Madam Advincula: Ang ganda ng banat ah? :))
Pia: Recorded pa ah. :))
Ako: Naks, prepared! :))
Xyra: Boses ni Jeanine yan! :)))))
Tawanan lahat kahit si Madam eh. =))

Lunch Time
Sa lobby kami kumain. After namin ibalik yung baunan namin, binigay muna namin yung Permit sa mga scouts na kasama sa Thursday. Nakaka-hilo at nakaka-pagod nga eh. Palakad-lakad at pabalik-balik kami. Bigla naming nakalimutan kung sino pa yung ibang scouts na kasama. So itatanong sana namin kay Sr. Ceraon. Nung nasa faculty kami, sabi ni Sr. Diaz, mamaya na lang daw namin kausapin si Sr. Ceraon. Nung paalis na kami...
Sr. Diaz: Sarte!
( Pag-lingon namin kay Sr., kay Crystalline siya naka-tingin. )
Crystalline: Hindi po ako si Sarte.
Ako: Hahaha!
( Halatang medyo nalito si Sr. sa amin kasi parang nabu-bulol na din siya. Haha! )
Sr. Diaz: Ikaw, Sarte.
( Sabay turo sa akin. )
Sr. Diaz: Paki-sabi naman kay Madam Acaylar na nagmi-meeting na kami.
Ako: Osige po.
Sr. Diaz: Osige, thank you!
Ako: Opo. :))
Pag-baba namin sa 2nd floor, dumaan kami sa Timpi tapos yun, sinabi ko na kay Madam Acaylar na magmi-meeting na sila. After that, pumunta muna kami ng Canteen.
Crystalline: Ayoko pumunta ng canteen kasi may halimaw doon!
( Sabay biglang lumabas si Jacob galing sa canteen. HAHAHA! )
Bumili lang ako ng Mini Bitas pang-dessert tapos derecho sa kiosk kung saan nandoon na sila Alyssa, Larissa at Gianina. Super laughtrip dahil sa mga kwentuhan namin. Haha. :))

5th Period - Filipino
Medyo boring. Lagi naman eh. Minsan na lang maging masaya kapag Filipino time. :S

6th Period - Computer
Since alam na namin na Rosary Time, nag-umpisa na kaming mag-rosary kahit wala pa si Madam para maka-punta agad ng Lab. Habang nagro-rosary, kausap ko si Crystalline and si Ira tapos ghost stories lang kami.
Nung nag-punta na kami sa Lab, sinabi na about Shapes and Colors yung gagawin sa flash. Tapos may naisip na agad ako na paraan kaya ginawa ko na agad. Hindi ko na nga nagawa yung 3D eh. Enjoy na enjoy pa ko sa pag-gawa ng circle, square, oval and rectangle. Tapos iniiba-iba ko yung kulay. Sa kalagitnaan ng pag-gawa ko nun, naisip ko na pwede pala mag-apply nung Rainbow colors sa isang figure. Kaya, dinagdag ko na lang. Tapos ang ganda ng kinalabasan. Kaya perfect score ulit ako. :">

7th Period - Homeroom
Nung una, puro sermon lang. Tapos pumunta kami sa Pitag kasi akala namin kasama si Galang sa Warehouse sa Thursday. Hindi naman pala. Tapos kung ano-ano lang ginawa namin. Tapos nakit namin yung folder ni Madam na nandun yung Average sa ranking para sa PTC. Ang una naming nakita, yung mga bagsak. Si Clyde, bagsak sa Math. Si Kyle, bagsak sa Filipino, at si Lilian, bagsak sa AP. Yung sunod na pag-open nung folder, nakita ko yung name ko. Katapat yung average. Ang average ko ay 82.91. Yes! Umabot pa! Sana maka-top 20 man lang ako. Tapos nakita ko yung kay Cystalline, 86.14 yung average niya. Yung kay Jazmin, 91.29. Top 1 na yan. Sana nga malipat ng cream section eh. Para wala nang epal sa classroom namin. Haha!
Nung wala na kaming mapag-usapan at magawa, napag-usapan namin yung about sa shirt namin. Inisip namin kung anong statement or whatever. Tapos naisip ni Jem na  hintayin namin mag-karoon ng shirt lahat ng 3rd Year. Tapos kung anong statement sa shirt nila, pagsasama-samahin namin sa shirt namin. Laughtrip nga eh. Nung wala na talaga kaming ma-isip. Nag-suggest si Kathy na Fetalyn Ramilo na lang yung naka-lagay. Haha! Super nakakatawa. :)))))))))
Tapos nung si Kathy nagd-drawing ng shirt sa board, parang nagka-mali siya ng dinrawing. Nag-mukhang off-shoulder yung T-Shirt kaya yun yung pinaka-laughtrip sa lahat. =)))))))))))))))))
Then they came up sa design na parang Facebook. Yung sibling yung lahat ng 3rd year sections. Tapos ang status yung statement ng Sinop. Nakakatawa nga eh. Sobrang ang saya. Si madam nga nakiki-tawa din eh. Haha! :))

Dismissal Time
Dahil umuulan, hindi ko na j=muna tinanggal yung jacket ko. Tapos pag-dating ko sa bus, binaba ko muna yung bag ko and hinubad yung jacket ko. Tapos sinamahan ko si Cyrene sa Main Canteen at nilibre niya din ako ng Kitkat.
On the way home, nakita ko si Bugia. Nasa may footbridge. Haha! Nakita niya din ako eh. Haha! :))

5 pm onwards
Blog. Blog. Blog.
Facebook. Paco accepted me na! :"">
Study.
Soundtrip.
Sleep agad.

L!

0 comments: