" Bakit kayo naka-P.E.?! "
Nung una kasi okay pa kung may nagtatanong kung bat ako naka-P.E. Tanggap ko naman kung bakit sila mag-tataka at mag-tatanong eh. Pero kasi napansin namin ni Crystalline na isa-isa yung mga kaklase naming nagtanong kung " Bakit kayo naka-P.E.?! "
Eh nakaka-banas din naman kasi na paulit-ulit iisipin kung anung sasagutin mo kapag nag-tanong sila. Edi parang nakulitan talaga kami sa mga kaklase namin pero sinasagot pa rin naman namin yung tanong nila kasi malay naman nila diba? :))))))
Every Monday, daily uniform kami dapat. Pero dahil nung Friday ay may binigay na letter sa amin na ang girls daw ay magsusuot ng P.E. uniform, white shirt or maong pants on the days na daily uniform dapat kasi may Dengue Outbreak daw. So para daw maiwasan na nae-expose yung legs namin. Kami nga lang ni Crystalline ang naka-P.E. uniform eh. Pero pwede naman kasi required naman din talagang mag P.E. or yung ibang choices.
Masaya naman kasi Original room tapos hindi nakakairita sa katawan kasi naka-P.E. uniform. Pag daily uniform kasi patong-patong. Nagugulo yung damit sa loob. Tapos laughtrip din kasama sila Resty, Amiel and Ralfh. Ewan ko, pero pag kasama ko sila tawa na lang ako ng tawa. =))
LUNCH TIME
Eto na, naka-tambay na lang kami sa kiosk. Tahimik ang lahat. May kanya-kanyang gawain. Kumakain kami ni Alyssa ng Mini Bites. Katabi ko pa nga siya eh. Sabay, biglang dumaan si Rexy.
Alyssa: Si Rexy oh.
( Hindi ako sumagot sa sinabi niya kasi tinititigan ko na si Rexy bago niya pa sabihin yun sa akin. Matapos ang ilang segundo... )
Ako: Tang ina, nati-tibo na 'ko! ( Sabay palo kay Alyssa. :)) )
Alyssa: Tang ina mo, akal mo ikaw lang?! =))))))))))))))))))
After nung conversation na yun, tawa na lang kami ng tawa. Hindi ko akalaing ganun yung sasagutin ni Alyssa sa akin. =))))))))))))
DISMISSAL TIME
Maaga naman kaming na-dismiss. Inintay muna namin sila Alyssa at Alexis bago ako humiwalay sa kanila. Pag-labas ko ng campus, aba! FX ang gagamitin dahil sira pa daw yung Bus 11. Sa isip-isip ko, " Sira pa rin?! Eh nung Thursday pa yun ah?! " As in simula nung Thursday ng uwian, hindi na namin nagamit yung Bus 11 kasi sira daw. Kahit nga nung Friday eh. Tapos umabot pa hanggang ngayon? Ang masaklap pa doon, puno na yung FX. So, for short, hindi ako makakasabay ng 1st trip. 2nd trip na lang daw ako. WOW! Pag-iintayin nila ako? And, hello. Hindi pwedeng masayang ang isang oras ko para lang mag-intay. Eh naiwan din si Jeanine chaka yung kapatid niyang si Josh. Naiwan sila kasi bumili pa sila. Pero yung bag nila nag-1st trip. Buti pa yung mga bag nila no? Edi we decided to commute na lang. Nag-lakad kami hanggang sa foot brigde tapos nag-jeep na sila tas tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad ko. Hindi nga ako nag-pedicab kasi nakakatamad chaka hindi ko naman pagbibigyan yung mga pedicab drivers no. Mas gugustuhin ko pang mag-lakad kesa naman sumakay sa pedicab nila tapos panget pa yung driver. I mean, yung hindi mabait yung mga pedicab drivers. Nung nasa foot bridge pala kami, nakasalubong ko ate ko. Gulat na gulat siya kung bakit ako nag-lalakad eh. Akala siguro niya galing ako lakwacha. Hahaha! Ang sinabi ko lang na hindi na ako kasya sa bus eh.
Tapos pag-uwi ni mama, sabi ko, " Hay nako, Ma! Ang bus 11, sira pa rin. Kaninang uwian, FX ang ginamit pero hindi na daw ako kasya. Ang gusto pa nung driver namin mag-2nd trip ako. Kaya nag-lakad na lang kami nung kaklase ko na ka-bus ko rin pauwi. " Tapos ang sabi sa akin ni mama, " Bukas, huwag ka nang papayag na hindi ka ulit sasabay ng 1st trip ha. "
Pag-uwi ko, hindi na ako kumain. Ginawa ko na agad yung Tile Art. Feel na feel ko pa nga eh. Tapos nag-aral ako sa Math chaka sa Chem. Hahaha. :))
0 comments:
Post a Comment