September 15, 2010, Wednesday
Before Flag Ceremony
Original Room kami ngayon. Kaso hindi ko naman alam kaya wala akong jacket na nadala.
Pag-pasok na pag-pasok ni Crystalline, nag-practice na kami ng para sa PE. Nandun kami sa may bintana sa harap. Tapos nung pumasok si Ira, parang namamaga yung mata. Yung epekto sa mata kapag umiyak. Ganun. Tapos na-kwento niya sa amin na kagabi daw, nag-text sa kanya si Care gamit yung phone ng mama niya. Ang sabi daw sa text, " Bye, Ira. I Love You So Much. " Yun lang daw yung sabi. Nung nagpa-practice kami nung mga ka-group ko sa PE maliban kay Ira, kausap ni Ira sa labas ng room si Janelle Rico. Nung nag-bell na para sa Flag Ceremony, sakto yung pag-balik niya sa upuan niya. Tapos kinwento niya ng mabilis na lilipat na daw si Care sa Muntinlupa. Tapos sobrang shocked kami. Tapos yung mata niya, sobrang magang-maga na kaka-iyak.
1st Period - PE
Nung hindi pa dumadating si Madam Ng, yung upuan i, inayos na namin sa "U" formation para sa PE tapos nag-tuloy lang kami sa pagpa-practice. Buti na lang binigyan kami ni Madam ng konting panahon para mag-practice. Tapos 3rd to the last na-tawag yung group namin. 12 over 20 yun score na nakuha namin. Atleast hindi kami yung pinaka-mababa. Hehe. Bago mag-time, sabi mag-Pass the Hat daw para sa mommy ni Madam Rojas na namatay kagabi ng madaling araw. Magta-time na nun kaya sabi ni Madam na tatapusin na lang namin yung discussion about sa Rigodon and Cotillion.
2nd Period - Filipino
Syempre boring na naman. May pina-gawa si Madam Zaragosa na draft para sa talumpati. Bago yun, nag-Pass the Hat muna ako since ako yung Treasurer. Si Mark unang-una nag-bigay tapos 100 pesos pa yung binigay niya. Ang bait talaga ni Mark. Haha. After nun, binalot ko sa long pad yung pera tapos sinamahan ako ni Pia na ibigay sa Faculty yung pera and may pina-akyat din si Madam kay Pia. Haha. Pag-balik namin ni Pia sa classroom, kinakausap sila ni Sr. Ceraon tapos kasama ni Sr. si Marielle Joson chaka Micah Sy. Samin muna sila for the meantime kasi hindi makaka-sama sa Reach-out nila tapos ginawa ko na yung activity namin.
Jem: Naniniwala ako... Na ang taong panget, pag lumaki... Mas panget! :)))))
At ang taong maitim... Hindi makita sa dilim! =))))))))))))))))
Recess Time
Since masyado pang maaga, hindi agad kami lumabas ni Crystalline. Nakipag-kwentuhan muna kami kay Ira. Na-kwento niya din na gumawa siya ng doodle kagabi kasi si Care mahilig mag-doodle. So ginaya niya. Tinapos niya pa daw yung doodle niya para ipapakita niya kay Care. Tapos nakaka-lungkot syempre na bigla nang aalis si Care. :(
Pag-labas namin ng classroom, punta na kami ng canteen then sa kiosk. Pero hindi namin kasabay si Alyssa.
Nung nag-bell na, habang nag-lalakad pa-balik ng room, sabi ko sa kanila, " Siguro, tayo na lang ang matitira sa Nine Teens. Ako, si Crystalline, si Larissa, si Gianina at Alyssa. " Nakaka-lungkot kasi eh. Nagkaka-watak-watak na. :(
Pag-balik namin sa Sinop, nakita namin si care at niyakap agad namin. Yun nga, pupunta na sila sa Muntinlupa. Bumalik sila para kunin yung mga gamit at magpaalam sa amin. :(
Reading Time
Si Madam Ng teacher namin. Habang gumagawa kami ng output, natanong ni Madam si Dumas yung tungkol sa buhay niya. Eh ang buhay ni Dumas, Tragedy. Wala na kasi siyang parents. 7 silang magka-kapatid, bunso pa siya. Tapos ate niya lang nagpapa-aral sa kanila. Eh wala namang alam si Madam Ng na ganun. Chaka hindi niya din sinasadya. Habang nagke-kwento nga si Dumas, iba na yung boses niya tapos umiiyak na daw sabi ni Pia. Sinisilip ko pa nga kung anong reaction ni Dumas habang nagke-kwento eh. Then nag-start na kaming maiyak. Tapos si Madam may kinwento pa about sa daddy niya. Sobrang nakaka-iyak talaga. Naiyak nga din si Madam eh.
3rd Period - English
Pina-gawa kami ng Wanted Romeo or Juliet. Gumawa na agad ako kasi may naisip agad ako eh. Tapos biglang pumasok si Ira galing sa Faculty room. Nung wala na kaming ginagawa sa subject, may pinamigay na small paper tapos doon daw i-sulat ang message para kay Care. naiiyak nga ako habang nag-susulat eh. After nun, hindi kami natuloy sa Viewing Room 4 kasi gagamit si Sr. Ceraon. Bumalik na lang kami sa classroom. Biglang dumating si Care. May sinulat siya sa board, " I Love You 3-Masinop Forever. -Care 9/15/10 </3 "
Sobrang na-touch and na-iyak kaming lahat. Tapos, nag-group hug ng maraming beses na nagka-gitgitan na. :)) Nag-group picture din using Lian's camera. After that, pinag-speech namin si Care. Sinabi niya na, akala niya daw hindi siya belong sa Masinop. Tapos nasabi niya din daw sa mommy niya na nung una ayaw niya sa St. Mary's kasi akala niya hindi siya magkakaron ng friends. Pero nung tumagal, na-realize niya na sobrang saya pala lalo na sa SINOP. Habang nag-sspeech siya, lahat kami naiiyak na. Tahimik na at may panyo sa mukha ang karamihan sa amin at isa na ako doon. Sobrang naiiyak na ako nun. Pinipigilan ko lang yung iyak ko. Pero hindi ko mapigilan kaya nabuhos ko na kasi sobra talagang nakaka-iyak. Andami na ngang umiyak na talaga ng tuluyan sa amin eh. Tapos napag-tripan namin si Clyde. Sabi namin i-hug niya si Care. Ex's kasi sila eh. Tapos na-videohan pa. :))
Bago mag-time, hinatid na ni Ira si Care. Best Friends kasi sila eh. Nalulungkot nga si Ira kasi wala na daw siyang kasama sa classroom eh. At bago mag-hiwalay si Care at Ira, nag-yakapan sila ng mahigpit. As in, nasa harap ko sila habang magka-yakap sila. Tapos iyak sila ng iyak at nahawa ako. Sobra. :(((
4th Period - Music
Si Madam Ng ulit nag-sub sa amin tapos seatwork lang kami sa book. Tapos dumating na si Ira.
Madam Ng: Umalis na talaga si Care?
Ira: Opo. :((
Grabe, katabi ko pa naman si Ira. Nakaka-iyak talaga.
Lunch Time
Badtrip! Ang tigas ng ulam ko tapos sumakit ipin ko! Pati nga si Crystalline at Larissa hindi kaya hiwain eh. :)))
Nag-dessert na lang ako ng Mini Bites at Ube ice cream. Haha!
5th Period - Math
Habang nagdi-discuss si Sr. Diaz, nasabi ni Sr. na " Angre " imbis na " Angle " kasi nabulol siya. Tapos bumenta sa amin yun. Tawa kami ng tawa nila Xyra at Jem. Tapos pinapa-ulit-ulit nila yung " Angre " Sobrang nakaka-tawa talaga. Pinipigilan ko na ng lang yung tawa ko kasi baka bigla akong tawagin ni Sr. eh. :))))))
6th Period - CL
Talking about Beatitudes. And kwento ng kwento si Madam. :))))))))
7th Period - Chemistry
First 30 minutes, walang teacher. So ang mga trip, kwentuhan, tawanan, hubaran ng jogging pants sa boys at luksong baka. Biglang dumating si Madam Hisoler at pina-upo kami. Dapat maggo-ghost stories pa kami kaso biglang dumating si Sr. Ceraon at pina-punta kami sa Viewing Room 4.
Dismissal Time
Since umulan, nasa loob ng school yung bus. And since Wednesday, mag-iintay pa sa grade school. Tapos habang nag-iintay, ginawa ko yung isang assignment sa math. Atleast nagawa ko. Haha!
House
Eat. Watch TV. Facebook. Soundtrip. Eat. and Blog, Blog, Blog.
We will miss you so much Fredeliza Careina Marcos. You will stay in SiNOPiANS` heart forever. Keep in touch. Solid 44 pa rin tayo kahit wala ka na. :((((
L!
0 comments:
Post a Comment