BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, December 30, 2010

Goodbye, 2010; Hello, 2011. :)

Hello, blogspot!
I haven't seen you for a long time. I've been busy for these past few days and weeks because of school works, ballet, and house chores. And now, I will be back. :)

Goodbye, 2010. :)
11 months ago when the year 2010 started and now it will end soon. Time is really fast. Another year will end and another year will start.
The year 2010 has been a challenge in my life. This is a year where I felt happiness, love, sadness, sorrow, and pain. This is a year where I smiled, frowned, and cried.
Many things happened to me during this year. I experienced losing a friend totally and never have him back. I experienced regreting things that makes me want to turn back time and make it right. I experienced having a broken heart and giving other people a broken heart too. I experienced hating people that I loved before. And most of all, I experienced hating myself too.
But between those negative experiences, there were people who were always ready to comfort me, to make me smile, and to make me happy. They were there for me through thick and thin and they always understand me. I'm so thankful because there were people who made my life more colorful and more meaningful. I want to thank them for always being loyal to me and I want to say sorry for the people that I hurt, that I made angry or I made them cry.
The year 2010 have full of memories that I will not forget because this year, I learned to be strong. Strong enough to defend myself and to let go of the things that will make me cry even if it hurts. I learned to live my life to the fullest. :)
Goodbye, 2010. :)

Hello, 2011. :)
A new year is about to start again.
I hope that 2011 will be a new year for me to be more happier and stronger. I hope that this year will be peaceful for me and for the people around me. I hope that I will be better, better than what I am before. We'll see that. Goodluck to me.
Hello, 2011. Welcome to my life. :)

HAPPY NEW YEAR EVERYONE! :*
Goodbye, 2010; Hello, 2011! :)

L!

Saturday, December 4, 2010

College Fair III

Last day of Fair. Aw. :(

Na-late ako ng gising. Kaya nagmadali ako. Sinundo kami ng bus 11 ng mga quarter to 7. Pagdating sa school, si Alex muna yung kasama ko kasi wala pa si Crystalline.

Nakita ko si Joseph Ballano. Ganun pa rin siya. Nakakatawa pa rin. :)) Nung nakita namin si Derick, iniwan ko na si Joseph. Haha! Pinakilala pa ko ni Alex kay Derick. Haha. Ang gwapo niya talaga. Dapat hihingin ni Alex number ni Derick kaso di daw kabisado ni Derick so binigay na lang ni Alex yung number niya kay Derick. Maya-maya, inikot lang namin yung school kasi nga hinahanap namin si Derick. Tas nasa main canteen lang pala siya. Nage-emote dun sa may poste. Haha. Edi pinuntahan namin. Chinika ni Alex. Tas kinalkal ni Alex bag ni Derick. Nakita niya yung pabango ni Derick tas inamoy niya. Tas binigay niya sa akin tas inamoy ko. Tas binibigay ko kay Derick kaso si Alex yung kumuha. Haha. Ang bango niya. Tas hineram ni Alex yung phone ko. Pinicturan niya ng stolen si Derick. Tas binigay niya sa akin. Tas in-adjust ko yung mode nung camera ng phone ko tas habanag binibigay ko kay Alex, parang binulungan ko siya na sabi ko, "Isa pa." Tas pinakiusapan ni Alex si Derick na mag-smile. Kaya yun, may maayos na picture na. Haha! Ang gwapo niya talagaaaaaaaaaaaa. :""""""""""""""""""""""""""""""""""">

After nun, umalis muna kami para hindi mahalata. Hahahahahahahaha. Inikot lang namin ng isang beses yung school tas bumalik kami sa main. Eh nandun na yung friend niya. Tumambay lang kami sa labas ng school supplies na canteen. Kasam na namin nun si Glen at Danica. Tas nakausap ko dn si Derick. Kinwento ko yung 2nd place sila sa inter-rock-tion tas may certificate tas na kayla Karla yung Certificate. Hahaha. Oo lang siya ng oo. Mahiyain daw yun sabi ni Alex eh. Lalo na daw pag di pa kilala yung tao. Hahaha. Sinave din ni Alex yung number ko sa phone niya pero iba yung pangalan. Kunwari daw number ni Danica. Hahaha.

Ayun, tumigil na yung ulan ng tuluyan tas tinesting yung Octopus. Tas nagkayayaan na mag-octopus. First ride with Alex tas second ride with Danica. Dapat magooctopus kami ni Robb kaso ang tagal kaya iniwan na namin.  After nun, kumain muna kami sa main canteen. Malapit kela Derick at Issa. Amp. Pagtapos kumain, dun kami sa may nail art kasi duty nila Alex. Kasama na namin nun si Ayie nung sinundo namin sa Panay. Tas nakita ko ulit si Robb kaya nag-octopus na kami. Tae, tumitili. Malanding bata. Tinitilian yung tenga ko. Tas kung makahawak naman akala mo liliparin na. Nakakatawa talaga siya humawak. Hahaha!

Ayon, pag tapos ng octo with Robb, binalikan namin sila Alex. Tas nagtext si Zita na nasa centro daw siya. edi pinuntahan ko. Tas nakita ko na sila Crystalline, Alyssa at Alexis kaya iniwan ko na si Zita. Hahaha. Octopus agad kami ni Alyssa eh. Haha. Tas tinawagan ako ni Mabeth. Octopus daw kami nila Zita. Libre niya yung isang ride. Edi yun, katabi ko si Zita. So far, siya pa lang yung pinaka-boring kong nakatabi sa octopus. Hahaha, walang reaction eh. Tas ang corny nung sasakyan namin kasi hindi humaharap sa engine. Hahaha. :))))

After that, dumating na si Japz. Tambay lang kami sa may Clinic. Halos lahat yata ng dumaan tinignan si Japz. Tas ang SWET ni Japz at Crystalline. Hahaha. Ayun, nag-octo kami ni Alyssa, Ayesha tas Alyssa ulit. Tumapanag na si Alyssa eh. Hahaha.

Ayun, inubos muna namin yung chits ni Japz tas hinatid namin siya sa Panay. Aww, boring nanaman. Hahaha. Pero hindi naman ganun ka-boring. Nung gabi, open na yung rides. Dinagdagan na lang ni Alyssa ng 21 yung pera ko para makapag-octo kami. Tae, the whole time, sa engine kami nakaharap kahit na nasa baba kami. Kaya buong buo na nakaharap kami sa engine. Ang saya! Hahaha.

Nanuod muna kami sa mga performances ng Hardmob chaka La Salle Greenhills. Grabe, ang hot nila. Tinawag na ako ni Abby kasi napagusapan namin ni Mabeth na ililibre niya ko ng octo. Edi yun, pinakilala ako ni Mabeth sa kasama niyan GWAPOOOO. Oo, gwapo. Hahaha! Eto na, 2 rides kami sa octo. Grabe ha. Nung hindi pa exhibition, halos di tumapat sa engine. Nung exhibition na. BUMAWI! As in walang time na hindi kami nakatapat sa engine. Sinisigaw ko na nga yung pangalan ni Abby eh. As in nung exhibition na nakatapat kami sa engine. Sabi ko, "Abby! Abby! Abby! Abby! Abby!" HAHAHA! Puro lang ako ganyan. Haha, ang saya, grabe.

After ng octopus namin, nakita ko si Alexis pero hindi niya kasama si Crystalline. Tas hinanap ko siya. Sabi niya di daw siya pinapansin nila Alexis kaya di na siya sumunod. Ayun, nag-ikot na lang kami. Nakwento ko sa kanya na may gwapong kasama si Mabeth. Tas nakasalubong namin si Mabeth chaka yung kasama niyang gwapo. Nag-kwento si Mabeth tungkol sa kanila ni James tas naiyak siya. Habang kinocomfort ko siya, naka-tingin ako sa kasama niya. Ang gwapo eh. Haha. Yun. 

Nung nasa may gitna kami, nakita kami ni Alexis tas sumama na siya sa amin. Hinanap namin sila Mabeth. Tas nakita namin sa may SJB Lobby. Tas umupo kami sa likod nila. Tinanong ko kay Mabeth kung may girlfriend ba. Sabi niya, "Tol, huwag yan. Playboy yan." Ouch. Oo, nasaktan ako. Sayang gwapo. Sabi ko kela Crystalline, "Tara, alis na tayo." Tinanong nila kung bakit, tas yung kinwento ko. Na-disappoint din sila. Kaya kung ano ano na lang ginawa namin. Dapat mag-ooctopus pa kami ni Crystalline kaso nasaraduhan kami eh. Sayang.  Kaya ayun, nag-uwian na. Kasama ko si Mama chaka si Mammu. Tas kumain muna kami sa Shakey's. Yun yung dinner ko. Hahaha.

Ang saya ng College fair. Naka-12 akong octopus ng araw na to. Pero ngayong year, 24 times sa octopus. Hahaha. Lahat na nga yata ng sasakyan ng octopus nasakyan ko na eh. Next year ulit. sana mas masaya. :)

L!

College Fair II

Second Day of Fair. All black pa rin. :))

Nung umaga nanood kami nila Alyssa at Crystalline ng Field Demo ng mga bata. Haha. After nun wala na kaming magawa. Tambay na lang. Inasikaso ko muna yung quiz sa math. Pinasagot ko kay Gianina at Pauline. Haha. Ang nasagutan ko lang dun yung ginagamitan ng calculator eh. :))

Nag-octopus kami ni Gianina. First time ko siyang katabi. Grabe, english na ng english. Tapos tumitili din. Minsan nga hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi niya eh. Siguro nagfe-french na siya nung mga panahong yun. :))))))))

Habang sinasagutan naman ni Pau yung quiz ko, nag-octopus kami ni Alyssa. Tas after masagutan ni Pau yung dalawang problem solving, kami naman yung nag-octopus. Hahaha. Maingay din. Mura naman to ng mura. Sobrang natawa ako nung time na humarap kami sa engine tapos timuro niya pa eh. Sabi niya, "Ayan na! Ayan na! Hala!" =)))))))))

Nanuod kami ng inter-rock-tion. Syempre nag-cheer ako para kay Derick. Haha. Ang hot niya talaga. Super gwapo niya tas ang ganda ng boses. Nakaka-inlove. :"""""""">

Dumating si Japz and Jerrick ng mga 4 tapos nilibre kami ni Japz ng food. Tas nag-octopus si Alyssa at Alexis. Umiyak nga si Alexis eh. Takot kasi talaga siya. After nun, nag-ikot ikot lang kami. Then nag octopus kami ni Alyssa ng dalawang magkahiwalay na beses. Tapos umuwi na yata sila nun kasi hindi sila pinayagan sa band night.

Medyo nabadtrip lang ako nung nasa may centro para sa clearing sa quadrangle. Ewan ko ba. Sinusumpong ako nung mga panahong yun eh. Tas okay na ulit after ng inspection.

Nung una, pangit yung band kaya tambay lang kami nila Japz at Jerrick. Tas ang sweet nila Crystalline. Hahaha. Pinicturan ko sila ng sobrang dami hanggang sa memory full na yung camera ni Crystalline. At sobrang sakit na daw ng mata nila dahil sa flash. HAHAHA!

Nung umuwi na sila. .............. BORING! As in, wala talaga kaming magawa. Naka-tunganga na lamng kami sa isang tabi. Nakasara pa naman yung rides. Haha. Kaya naki-join na lang kami dun sa band. Inaliw na lang namin sarili namin. Then kinausap ako ni Cyrene. Tinanong ko sa kanya si Derick. Tas sabi niya hindi naman daw niya talaga mahal yung girlfriend niya ngayon. Niloloko lang daw niya. Tas gulat na gulat ako. Kasi kakalimutan ko na siya sabay hindi niya pala talaga mahal. Edi nabuhayan ako ng dugo nung nalaman ko yun. Grabe. :))))

Dumating na yung Moonstar 88 tas masaya na. Ang gaganda talaga ng mga kanta nila. Tas ang ganda pa nung vocalist. :">
Nakita ko pa nga si Pia dun. Nakiki-fair daw. Haha. Kaya nung pauwi, wala pa sila mama, si Pia muna yung kasama ko. Haha. Tas bago umuwi, kumain muna kami sa KFC. Tas pag-uwi, tulog na agad. Hahaha. :))

L!

Thursday, December 2, 2010

College Fair I

Nung umaga na wala pa kong kasama, kay Alex lang ako. Tapos nakita ko na si Alyssa then pinuntahan namin sila Crystalline and Larissa sa panay. After that, nag-mass na. Before kami mag-CR, nakita ko yung first year na magaling kumanta na pumunta sa classroom namin kahapon. Super gwapo niya! :""""""">

Tapos kumain kami ng rice ni Crystalline at Alyssa. Nakita ko si Ma'am Barrientos sa McDo habang naghahanap ng food. :))))) Dumating na si Jacob tapos ikot-ikot lang. Then humiwalay sila tapos si Jacob na lang yung bumalik sa amin. Dapat mag-ooctopus kami ni Jacob kaso bigla kaming pinatawag sa Viewing Room para sa Quiz sa Chem. Then yun, sinagutan na namin ni Jacob tutal groupmates kame. Hinanap namin si Rap tapos nakita na namin si Nicki. Nung sila na yung nagsasagot, nag-octopus muna kami ni Jacob. Nag-paalam naman ako kay Alyssa before that. Pero sa text lang. Then yun, ang saya sa Octopus. Number 9 pa kami napunta. After ng octopus, bumalik kami kela Nicki sa may HS Faculty Club Booth sa Chocolate Fondue nila. Tapos maya-maya nagkatext kami ni Khayte about kay Jacob, edi yun, nagkita sila sa panay para sa pera. Pag-balik ni Jacob, tapos na yung quiz tapos may 1K daw siyang pera galing kay Khayte. Dapat nga ililibre niya ako sa octo kaso si Crystalline di pa tapos sa quiz kasi wala siyang groupmates na tumulong sa kanya kaya nag-reject ako sa libreng octopus ni Jacob para samahan si Stalline. NAKS! :)))))

After matapos ni Crystalline yung quiz ng group niya, niyaya ko siya mag-Caterpillar pampatanggal stress. Nung una, hinihintay namin sila Alexis. Tapos nainis kami kaya di na namin hinintay. Habang nasa Caterpillar kami, nakita ko yung crush ko. Sabi ni Alex, Derick daw yung pangalan. Derick Gatmaitan. Then naisip kong gawing codename yung CutiePie sa kanya kasi ang cute niya talaga. Pinicturan namin ng pinicturan ni Crystalline. Ang gwapo niya talagaaaaaa. :""""""""">

Eto namang Caterpillar na 'to, umulan na't lahat, hindi pa rin umaandar. Nasiraan. Nung medyo malakas na yung ulan, dun lang umandar. Basang-basa kami. Tapos wala na kaming pake, nagpaulan na kami kasi nabasa na kami eh. Haha. :))))))

After that, nagpunta kami kela Alyssa sa may tabi ng PE Center at MIB. Gets? :)))) Nagpahinga lang kami dun. Tapos umuwi na si Gianina tapos sinamahan namin si Alexis sa kanyang kafatid. :)) Then dapat magooctopus ako chaka si Alyssa. Tas biglang sabi ni Crystalline, Libre mo ko. Edi yun, nilibre ko siya ng Octopus tapos nag-octo din si Jacob at Alyssa. Grabe, pinagtatawanan ko si Crystalline kasi trip ko siya nung time na yun. Medyo nabingi lang ako kase kung makatili naman yung katabi ko eh parang mamamatay na talaga siya. :))))) Si Alexis nanuod na lang kasi ayaw niya talaga sumakay. :))

After ng octopus, nasira yung bag ko. Natanggal yung zipper. Habang bumibili ng chaofan, badtrip ako kasi hindi ko makabit. After namin kumain sa MIB, naayos ko na kaya okay na ulit ako.

Nakipag-kita na ako kay Mabeth kasi magooctopus kami. Tas nandun na din si Lorraine nung time na yun. Tas yun, 3 times kaming nag-octopus na sunod-sunod. Libre niya yung isa. Palipat-lipat kami ng sasakyan eh. 3, 6 and 4. Super saya sa 6. Mahal na mahal sa engine. Kahit nung exhibition. Walang time na hindi kami nakaharap sa engine. :)))))

Habang nasa last ride kami ni Mabeth, nakita ko sila Crystalline. Nakasabay pa namin sila Jacob at Alyssa sumakay. Pag-baba ko, grabe. Hilong-hilo na ako. Tapos parang nasusuka ako. Tas pawis na pawis ako. Para akong laseng. Bangaaaaaag.

Pagtapos nun, nagpahinga ng onti then nilibre ako ni Lorraine sa octopus. Sayaaaaaa! :)))))))

Tas di ko na nakita sila Crystalline kaya lumabas na ko papuntang bus. Pagdating ko sa bus, gulat silang lahat kasi mukha daw akong lasing. Yung ichura daw. Tapos ang sakit ng ulo ko. As in, ANG SAKIT. Tapos nahihilo ako. Maluha-luha na ako dahil sa sakit ng ulo at hilo. Tas iba na ako magsalita. Nung nakapagpahinga na sa bus, um-okay na. Nagpalagay ako ng violet na hairspray sa ka-bus ko. Haha. Pag-hatid sakin sa bahay, inaantay ako ni mama. Tas bihis, kain, then laptop. :)))

Bukas ulit! >:D<

L!

Wednesday, December 1, 2010

Hello, December! :)

Yay! It's finally the month of December! >:D<
Original Classroom, PE Uniform, Regular Schedule. I brought my guitar in school. :)

PE
We went to the IC Lobby to practice our hip hop dances. Laughtrip agad dahil sa isang step na tinuturo ni Ira. Super Enjoy. :))

Filipino
I passed my Take Home Quiz na. Then we had the Oral Quiz about Magnifico. Hindi pa ako natatawag para mag-oral quiz.

Recess Time
Nilibre ako ni Raphael sa Octopus. Wee! Super sayaaaaaaaa! Grabe! Kasabay din namin sila Alex. Number 4 kami tas nasa 5 sila. Tawa lang ako ng tawa. Wala na akong makita dahil singkit na singkit na yung mata ko. Then sabi ni Rap, namumula daw ako. Ang saya. Obsessed to Octopus again. :))))) After Octopus, nag-caterpillar kami. Isa isang chair. Rap, Crystalline, Ako, Kyle and Eli. Ang saya. After that, super bangaaaaaaaaaag. Parang lasing lang. :)))))

Reading Time
No teacher! Foodtrip and laughtrip and soundtrip na lang. Still bangaaaaaaaaaag. :)))))))))

English
Lesson lang. Wala naman akong naintindihan. Tapos yung seatwork. 9 mistakes over 10. Galing ko no? HAHAHA! =))

Music
New teacher! We practiced lang our Christmas Songs. Feel na feel ko. Papikit-pikit pa ko habang kumakanta. :)))

Lunch Time
After namin kumain, dapat sasakay kami sa Caterpillar. Nag-hintay pa kami kela Jacob at Alyssa sa ICB tapos pa-chill-chill lang sila sa cottage. Musta naman yon? Ang saya saya nila dun tapos pinag-intay pa kami. Edi nabadtrip kami ni Stalline. Dun kami sa kabilang cottage tapos bumalik na kami sa classroom. Nung nasa classroom na kami, nandun ulit yung mga 1st year na friend nila Kathy. Grabe. Yung kumakanta, ang gwapo. Tapos ang lakas ng appeal pag kumakanta siya. Kamukha nga ni Japz eh. HAHA! Kaso lang di ko alam kung anung pangalan. :))))))

Math
Naintindihan ko naman yung lesson pero sadyang boring. :))))))

CL
What do you expect? Syempre sumermon nanaman ang loka. Kaya masaya kasi wala kaming nagawa dahil yung libro namin nasa locker. :)))))

Chemistry
Eto, di ko talaga naintindihan yung lesson kaya tahimik lang ako. Hanggang sa mag-bell na kahit soooooooobrang baaaaaaaagal ng oooooooooras. Hay. I am so impatient. :|

Dismissal Time
Since may ticket na kami sa caterpillar, edi ginamit na namin. Haha!

FAIR NA BUKAAAAAAAS! >:D<

L!

Tuesday, November 30, 2010

Last Day of November. :D

Hello!
Original Classroom and Shorten Period. ;)

Morning
Naka-ramdam ako ng pagka-hilo kasi hindi ako nag-dinner tapos hindi pa ako kumakain ng breakfast dahil naghahanda pa ako ng baon. Muntik na akong masuka nung time na yun. Tapos nag-CR na lang ako. Sobrang pawis na pawis ako tapos gulat na gulat sa akin si mama tas namumutla pa daw ako. Over naman yon. Nagskip lang ng isang meal eh. :))

Flag Ceremony
Sa quad kami. Then nag-extend kami ng 10 minutes dahil may iba pang prayers. Grabe, kapagod ha. Ang tagal naming nakatayo. :))

After Flag Ceremony..
Pinilit ko si Madam Ramilo na gawing 3-4-3 yung formations ng chair. Then yun, sinunod niya ako. Wahaha. >:))

Chemistry
Laughtrip kami. Si Sr. Ceraon kasi ang kulit ng boses. Galit na galit. Pero joke lang yun. Ang kulit ng mukha niya kanina eh. Tapos ginaya niya pa yung ichura ni Ralfh nung nagre-review sha. Si Resty naman, kung maka-tawa. Parang first time eh. :)))))))

AP
Ayun, may pinakopya lang si Madam sa amin tapos kwento lang siya ng kwento. :))

PE
Oo, Tuesday ngayon. Pero nag-exchage period sila ni Sr. Diaz nung Friday na nasa retreat si madam Ng. Nag-practice lang kami ng hiphop routine. Tapos wala kaming nagawa. Kung ano yung galing namin sa music, sobrang taob kami pag dating sa PE. =))

Recess Time
Kumain ako ng lugaw. Para hindi na ako mahilo ulit. After nun, bumili kami ng ticket sa Caterpillar.

English
Gumawa lang kami ng essay about sa long weekend namin. Ayun, dami kong nasulat. Dami kasing nangyari nung long weekend eh. :))

Filipino
Eto na. Yari na kami kasi ang daming hindi gumawa ng Take Home Quiz. Kase naman, alam na nga nilang bawal mag-assignment ng weekends tapos tatanungin pa nila kami. Hindi makaintindi? Edi ayun. Nagmatigas ako. >:)) After that, nanuod kami ng Magnifico. Ayun, kakaiyak. :'|

Computer
Kinumpleto lang namin yung activities. Hindi ko pa rin talaga magawa yung Motion Tween. Footangeenuhhh. :|

Lunch Time
Kumain kami sa lobby. Kasabay namin si Mikka at Johann. Yey! Nakaka-miss sila. :( After kumain, nag-caterpillar kami ni Crystalline. Sa number 7 ulit. Crystalline, next time sa number 8 naman ha? :))))) Nabitin lang kami kasi ang konti nung ikot na mabilis. Ang dami kasing elem. Kami nga lang yung high school sa batch ng pagsakay namin dun eh. Mga isip bata. :))))))

Film Viewing
Ayun, 4th row kami sa gitna sa harap ng audi. Buti nalang, di horror. The Water Horse yung title. Nakaka-inspire nga yung story eh. May nakakatakot, nakakagulat, nakakatawa, at nakakaiyak. Ang ganda. Yun na yung pang-fair na film viewing. :) Nag-plano sila Kaye na mag-practice ng PE sa house nila Ira. Itatry ko pa sanang magpaalam kaso weekdays kasi. Chaka baka gabihin ako kaya wag na lang. :|

Homeroom Time
First, pinabunot kami ni Madam Ramilo ng name para sa Kris Kringle sa Christmas Party then nabunot ko si Elijah. Sshhh! Di ko nga alam kung anung ireregalo ko eh. Hmm.. :| After that, nag-plano na para sa christmas party. Drinks lang dadalhin ko. Lagi naman eh. Simula first year. :)) Then pinlano na di yung games and the whole program. Lahat nga ng bagay may kasamang joke eh. :)) Pano ba naman, si Jem at Ellis yung nasa harap namin. :)))))))))) Curious lang ako kung sino naka-bunot sa akin pero ayokong malaman. :)) ;))

Dismissal Time
Stay lang ako sa bus. Habang pinapanuod ang busmates magkulitan. On the way home, inaakbayan ako ni Jorelle. Syempre hindi ako pumapayag. Katabi ko kasi siya. Tapos porket okay lang sa akin na katabi ko siya, akala niya okay lang din na akbayan niya ko. Ayun, nahampas ko sa tiyan niya, at mga 10 or 20 times na hampas sa right arm niya. Haha, Andun pa naman pinsan niya. Kawawang Jorelle. :)))

Bahay
Pag-uwi ko, nagulat ako kasi nakita ko yung isang Santa Clause na decor namin sa tapat ng pinto sa sahig. Pag tingin ko sa tass nun, nagulat ulit ako kasi nandun na yung malaking christmas tree. Nung isasara ko na yung pinto, nagulat ulit ako kasi nakita ko nandun na din yung maliit na christmas tree. Edi ayun, pumasok pa ako. Eh madilim, habang binubuksan ko yung ilaw, naka-tingin ako sa baba. Nung naka-open na yung ilaw, nagulat ulit ako kasi nandun sa sahig yung isa pa naming Santa Clause na decor. Grabe yun. Kung nakita niyo lang siguro yung reaction ko pag-uwi ko, matatawa talaga kayo. :))))) Nung nag-online na ako, nakipag-chat sa akin si Raphael. Buong araw kasi, malungkot siya. Umaga pa lang. Di naman niya nakekwento sa amin yun. Then yun, kinwento niya na saken. Kekwento ko na lang sayo bukas, Crystalline. :))))))) Ayun, naka-chat ko din si Cedric. OMG. Dami ko tinatarget ngayon ah? :)))))))) Good luck to me. Sana maka-isa sa kanila. :))))

Good Bye, November. :)

L!

Sunday, November 28, 2010

Happy Birthday, Ma! :)

When I woke up, gising na din si Mama. So gumising na din ako. Since yung gifts namin sa kanya ay pinagsama-sama namin sa isang bag, hindi niya alam kung kanino nanggaling yung specific gifts. Then she asked me kung alin sa mga gifts yung binigay ko. Sabi ko yung make-up. Wala na kasi siyang make-up na puro eyeshadow lang kaya yun. Yung eyeshadow na yun, binili ko one week ago. Nagpasama pa ako kay Crystalline at Alexis para bilhin yun. Buti na lang nahanap ko agad yun chaka Fashion 21 pa. So yun, nagustuhan naman niya.
Yung kuya kong pangalawa, niregaluhan niya si mama ng pillow na may "I SUSHI". Hindi ko alam kung bakit yun yung naisip niyang i-regalo. Di naman masyadong mahilig si mama sa sushi eh. :))
Yung ate ko, tatlo yung gift kay mama. First, red tumblr na may white polka dots. Mama loves polka dots kasi eh. Then second, toothbrush holder na dog since mama loves dogs. The last gift is a checkered bag. Eh mahilig din siya sa CHECKERED. So yun.

After lunch, we had a Kitkat Ice Cream Cake from DQ. It was so DELICIOUS. I love Kitkat pa naman. Haha!

At 6pm, we went to St. Paul Parish to say a little prayer lang. Ginamit na pala agad ni mama yung make-up that I gave to her. She really liked it. :) Then we went to Victoria Towers. We saw there a store na 99 pesos all items. So we went inside to look for some clothes. Mama saw the area of sandos. Eh I am searching for sandos pa naman. Nagkataon pa na kulang ako ng white sando for school kaya mama bought a white sando for me for school and panlakad na din. Also a brown sando panlakad. My brothers have their new boxer shorts. Haha. :))
After that, we went to YEY! CAFE to have dinner there. The food was delicious. Especially the wraps. Ang bigat sa tiyan. Grabe. Haha. Yung kuya ko, umalis ng maaga kasi birthday din ng friend niya so may inuman yata sila. Then umuwi na kami.

Happy Birthday, Mama! :*

L!

Saturday, November 27, 2010

November 27, 2010

Hello!

Contemporary @ 10am. I wore my violet leos with the x at the back. We had new excercises. Grabe, ang hirap. Sakit sa braso. I did the headstand! Yipee! >:DDDDD< Apat lang kaming nakagawa nun eh. Si Jeng, Diane, ako and Katja. Mama got a picture of me nung naka-headstand ako. Haha. I so love it. Pinagawa din sa amin yung frontwalk. First try, di ako tinulungan ni Kuya Nordic. So hindi ko nga nagawa. Second try, nagawa ko kasi tinulungan na niya ako. Hindi ko alam kung magagawa ko pag di niya ko tinulungan eh. :)) Backwalk naman. First try, nagawa ko pero mali yung bagsak ko. Second try, hindi ko na talaga nagawa kasi my hands are really wet! X( I hate it. :|

After contemp, we went to Crossings. Nag-tingin lang kami sa mga kitchen wares and clothes. Tapos pumunta kami sa pinaka-taas. May nakita kaming slippers na may peace sign. So mama bought it for me kasi nga my havaianas broke. We had lunch at McDonald's Quezon Ave. Yung katapat ng National sa kabilang side. Tapos Halili na ulit for ballet.

Ballet @ 3pm. We got back at Halili 1 hour earlier to change my leos and fix my hair to have extra time to play. HAHA! Bata? =)) I mean to play, to do frontwalk and backwalk. :)))) Pumasok si Gicelle and Mabeth. Gicelle has braces na since Thursday daw. Mas bagay sa kanya kasi hindi na siya naka-nganga habang sumasayaw. :)))) After barre excercises, POINTES! I enjoyed it naman. At nakaya ko naman. Hahaha.

After ballet, we went home straight kasi maglilinis daw si mama. Then ako, nag laptop lang.

GOOD NEWS:
No ballet classes and contemporary classes on December 2, 3 and 4 because of the competition in Hong Kong.

YESSS! Walang ballet sa FAIRRRRRRR! I don't have to worry about the time and my ballet stuffs! And I don't have to go in and out of the school! YAAAAAYYY! >:DDDDDDDDDD<

L!

Wednesday, November 24, 2010

HYPERIEST. =))))))))))

Hello!
This is a very HYPER day for me. =))

After Flag Cem
Nag-punta na kami sa new seating arangement namin. I`m still in the second row, column 5 sa may aisle. Haha! New seatmate si Resty. :))

1st Period - PE
Akala ko magiging masaya ako. Pero hindi masyado. Kasi may binigay na paper sa amin na dapat daw i-interpret namin yung figure through dancing. Wala kaming nagawa. On the spot lang kami then nang-hula lang ako ng steps kasi ako yung sinundan nila. Buti na lang hindi kami yung pinaka-mababa yung score. :|

2nd Period - Filipino
Groupings lang. As usual, BORING. Ka-group ko si Crystalline, kunwari. :)))))) Lumipat lang siya sa amin. :))

Recess Time
We bought Caterpillar tickets. Then we just watched the people in the Octopus. Alyssa has braces naaaaa! That's why she can't eat. And mas lalo siyang papayat. :O

Reading Time
Hindi ko alam kung anung output aya hindi ako gumawa. We just practiced for our Song in Music. :)

3rd Period - English
Talking about prepositions. Infairness, nakagawa ako ng 10 sentences with prepositions according to the road and the car. :))))))

4th Period - Music!!
Eto na! Ang saya-saya kasi feel na feel ko yung kanta namin. Favorite song ko na yata yun. :))))) Puro lang kami practice. Yung ibang groups sinasabayan yung kanta namin. Nakakatawa talaga. Tapos naadik kami nila Ira sa "Star ng Pasko". Pinag-scorpion pa ko. :"> :)))))))

Lunch Time
We ate at the IC lobby. Then cottage. Praning si Alexis about her eyelids that are moving by themselves. :)))))) I so wanted to ride the caterpillar na pero bukas na lang daw. :)))))

5th Period - Math. :|
New lesson. Na magulo. :)))) Pero pass the hat muna for the father of someone in 4th year. So I worked on the treasures first.

6th Period - CL
We had lessons in Viewing Room 2. Then we talked about social problems such as abortions, fraternities and sex. EEW. :S =))

7th Period - Chemistry
We went to Viewing Room 4. We talked about Moles. Oo, nunal. =)))))) JERK! =)))))))))))))))

Dismissal Time
Since it's Wednesday, we will wait for the Grade 1. Then yun, ka-bus ko na si Adriel. Pinag-awayan muna namin yung pera ko at pera niya bago siya bumili ng pagkain para sa amin. Tas pinapalo-palo ko siya. :))))) Then walang natirang money for Jorelle. Sabi niya, "Okay lang sakin na wala akong makain basta't may makain ka. Baka kasi kainin mo ko pag hindi ka nakakain eh." =))))))))))))))))))))))))))))))))) Okay na sana eh. Baka daw mag-transform ako into aswang. Seryoso niya pa sinabi yun. :))))))) Inaasar niya ko tas pinalo ko siya ng pinalo ng pinalo ng pinalo ng pinalo ng pinalo. =)))))))))))))))))))))))))) Ang dami talaga. Tapos super HYPER ko as in spell HYPER kung nakita niyo ko kanina. =))))))))))))))))))))))))))))) Nakakatawa talaga si Jorelle. :)))))))))))) Sabay na sabay pa kaming kagatin yung lower lip namin nung nagtititigan kami. GRABE. Ang saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya ko. :))))))))))) Habang tumatagal nagiging close na din kami ni Adriel. OKAY? =)))))))))))))))))))) WALALANG! Haha! HYYYPURRRRRRR. =))))))))))))))))))

Pag uwi ko, may natira pang apat na pancakes. Can you believe that I ate those 4 huge pancakes for merienda with butter, cream and syrup? OMG. GLUTTONYYYYYYY. =))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

Sorry na, ito ang HYPER. =))))))))))))))

L!

November 23, 2010

Hello!
This day is not so good because we are not in our aircon room so it's very hot and I get annoyed always. :))

1st Period - Chemistry
Medyo mainit na agad ang ulo ni Sr. Ceraon dahil sa mga tao sa labas ng room. We had a quiz about Balancing Chemical Equation and Types of Reaction and blah, blah, blah. My score is 10 dahil 2 points each. Buti na lang! :)) Tapos I got plus 10 pa kasi sabi ni Sr., may plus 10 daw yung mga nag-bayad na para sa College Fair. So 20 na yung score ko. :)) >:D<

2nd Period - AP
Ayun. Masaya. Nung una, nag-CR kami ni Crystalline. Nauna siyang lumabas ng cubicle. Pag labas ko wala na siya. Ewan ko kung nasan na. Pero nung hindi pa ako lumalabas, narinig ko yung boses ni Madam Amog. Feel ko nag-usap sila. Nung nawala si Crystalline, bumalik na agad ako sa classroom kasi nagbabaka-sakali akong bumalik agad siya. Pag pasok ko sa room, wala siya. Tapos maya maya, pumasok na siya sa room. Sabi ko, "San ka galing?" Sabi niya kinausap daw siya ni Madam Amog tapos may inutos sa kanya. Edi nagpasama siya sa akin na tawagin si Jay at Micah kasama mga Beadle nila. Tapos yun na. Pagbalik namin ng classroom, may activity. Mag-imbento daw ng bagay na makakatulong "yata?" sa environment. So naisip ni Crystalline ay isang fan na kapag dumaan yung maduming hangin sa fan na yun, malinis na pag-labas. Edi yun na din yung dinrawing niya. Tapos naisip kong title ay "Filter Fan". Cool! B-)

Recess Time
We are so craving for Juicy Jelly pero wala. AMPNESS. :|

3rd Period - Math!!!!
Eto na, may quiz kame. Eh yung kalkyu ko, medyo may pagka-low - tech kaya humiram ako kay Badeth ng maayos-ayos na na kalkyu. Haha! Naging okay naman yung quiz. Buti na lang napag-aralan ko yung kalkyu ni Badeth. Haha! Kaya yun, sana naman mapasa ko na yung quiz na yun. Sa isang item lang naman ako hindi sure eh. Yung wala akong sagot dahil nag-error yung kalkyu. HAHA! "KALKYU." =)))))))))

4th Period - English
Nothing new. Boring pa din. :S

Lunch Time
Kumain kami sa room. Then we had a conference with BOOM about Pau. Sinabi na namin lahat ng gusto naming sabihin. Si Alyssa yung pinakagalit. Yung tipong habang nagsasalita siya nararamdaman namin yung init sa katawan niya. Ang sinabi ko naman, yung dahil nga hindi na siya masyadong sumasabay sa amin, hindi na namin alam kung kasama pa ba siya sa group or kung tatanggalin na namin siya. Syempre iniisip din naman namin yung kapakanan niya diba. So ayun, buti naging okay na. At sana maging okay na talaga. :)

5th Period - Filipino
As always, boring. Pero we had a quiz then sulating di-pormal about "Pakikisama sa Kapwa".

6th Period - Computer
Nag-written quiz muna kami then yung Shape Tween na activity. Na-enjoy ko. HAHA!

7th Period - Homeroom
Street Dance elimination round sa Marian Centro tapos inayos ni madam yung seat plan.

L!

Monday, November 22, 2010

Camelot Play. :)

Umaga pa lang, sinabi na ni Madam Ramilo sa amin na shorten period kasi pupunta daw kami sa Audi sa hapon. Edi yun nga, before recess, 40 minutes every subject. Tapos after recess, 30 minutes na lang. Hindi nga namin na-meet yung 7th Period namin eh. Kaya considered free time na yun

After lunch kami pumunta sa Audi. Akala ko nga Film talaga yun pala Theatre Viewing siya. Tas akala ko din na Teatre Club or MTG. Yun pala malakihang production talaga. Yung parang sa Ibong Adarna and Florante at Laura.

Sobrang galing nung mga performers. Ang problema lang, hindi masyadong maintindihan kasi pangit yung mic. CHOPPY! =))
Kanina nga sabi ko, "Sana may subtitle! =))" Hahaha! Magaling sila tas ang bongga ng costume at props. Ang nae-enjoy ko lang yung pag may dance number eh. Yun lang yung time na tutok na tutok ako sa play. Pero na-boringan ako. Hindi ko nga naintindihan yung kwento eh. Kailangan pa naman namin gumawa ng paper about dun sa play. So hindi ko alam kung gagawa ako o hindi. Pag-iisipan ko pa. :))))))))

Nung uwian, grabe. Ang lakas ng ulan. Isang oras na ang nakakalipas hindi pa kami nakaka-U-Turn sa may Sunshine Boulevard. Tapos 5 na ako naka-uwi. Ang sikip pa sa bus. May mga sumingit. That's it for today. :-h

L!

OCTOPUS. :S

Hay.
Dahil sa malapit na yung College Fair, ngayon pa lang, may rides na. At syempre, hindi maiiwasan yung may maaalala ka about sa isang bagay dahil sa isang tao na naging part ng buhay mo.
Nung nakita ko yung octopus, SIYA agad yung naalala ko. And dami naming memories dun sa octopus na yun. As in ilang beses na akong sumakay doon na SIYA yung katabi ko. Ayoko na ngang tignan eh. Tapos sobrang naiirita pa ko kaninang Flag Ceremony kasi nga nasa Quad kami.

Basta, I promise to myself na hinding hindi na ako sasakay sa Octopus na yun. PROMISE. :|

L!

Saturday, November 20, 2010

Busy Saturday! :))

Hello!
Umaga pa lang, wala na sa bahay. Contemporary na agad. Enjoy naman. Ang dami naming naka-red. Iba-ibang shade. At ako yung pinaka-standout kase ako yung may pinaka-matingkad na leos. I did the headstand very successful at proud na proud sakin mama ko. :))))) Pinag-cartwheel kami then hindi ko siya nagawa ng maayos. Malapit na. :)))) I also did the front walk with the help of Kuya Nords. Then yung backwalk, FAIL! First try, bumagsak ako. second try, medyo nagawa ko pero bumagsak pa din. Akala ko mapipilayan na ko. Nagka-pasa lang yata sa paa. Buti ganun lang yung nangyari. At least, tinatry ko hanggang sa makakaya ko. ;) Stretching was so fun. ALWAYS MIDNIGHT is the title of the song. Then while everybody's doing the stretching, we were also singing the song! =))))))))

After contemp, nag-punta kami ni mama sa Trinoma. We ate at Tacobell first. Tapos pinuntahan ko na si Crystalline at si Frances sa Mcdo/Timezone at dun na din kami nag-hiwalay ni mama. Habang kumakain sila, umalis si Crystalline ng sandali tapos pina-hawak niya sakin yung bag niya. Edi pinakialaman ko yung bag niya. Tapos may nakita akong notebook na parang bago. pag-bukas ko, nakalagay leettering na, "YATZ". Tapos nilipat ko yung page, nakalagay, "RULES!". Nagulat ako kasi secret lang yata yun nila Japz. Edi hindi ko na binuksan at pinakialaman pa ng husto. Sinara ko na agad yung notebook at binalik sa bag niya. Ayun, dumating na si Alexis. After nila kumain, hinatid namin si Frances sa labas kasi may practice sila. Pag-pasok ulit namin sa Tri, nag-CR muna kami tapos nagpa-sama ako sa kanila na bumili ng make-up sa Landmark para kay mama. Yung yung ireregalo ko sa kanya sa birthday niya. Yun lang naman yung main purpose kung bakit ako nag-punta ng tri at nagpa-sama kayla Crystalline. Shempre hindi pwedeng nandun si mama habang bumibili ako ng gift para sa kanya diba? :))))))) Nung naka-bili na ako ng gift, nakipag-meet kami kayla Japz sa tapat ng Mcdo/Timezone. Tas sinabi ko yung about sa notebook, inamin ko kay Crystalline na binuksan ko upto the second page. Sinabi ko na hindi ko na pinakialaman yung iba. Grabe, gulat na gulat siya. Hehe. Tapos nag-decide sila kung anung papanuorin. Hinintay ko pa mag-1:30 sa cellphone ko bago ako humiwalay. Pinag-awayan pa nga namin yun ni Alexis eh. =)) Then bumaba na ako. Hindi na ako nagpa-hatid kasi ayoko sila mapagod. YESSS! =)) Ayoko kasi yung pa-special eh. HAHAHA! Nung humiwalay na ako sa kanila, dumaan muna ko sa Mercury. Sa planetang MERCURY. =))))))) JOKE! Malamang sa Mercury Drug. Haha! Bitch. =)) Then pinuntahan ko si mama sa 3rd floor ng Landmark. Tapos pumunta kami sa National Bookstore kasi bumili ako ng G-Tech. After that, nag-take out lang kami sa Mcdo then VROOM! Umalis na kami. Haha! Balik kami sa Halili for my Ballet.

Pag-dating ng halili, I changed leos agad and fixed my hair. Buti na lang may extra time pa after ko mag-ayos. Nagpa-tulong pa kasi sakin si Patrice to do Frontwalk. Trainer daw niya ko eh. Pero mismong yung trainer hindi marunong mag-front walk. HAHAHA! Pathetic. =))
Class naaaaaaaaa! Nung una, wala akong friends na kasama. Buti na lang naka-habol si Lorraine. Haha. After sa barre, pointes na agad! Grabe ha. 3 times nag-cramps yung paa kooooooooo! HUHUHU! It hurts so much. Buti natitiis ko. Na-very good naman ako kahit papano. :)) And na-enjoy ko naman din kahit papano. :))

After ballet, we went to UP. Nag-tingin ulit kami sa mga tiangge. Tama ba spelling? Haha! :)) Basta yun! Nagpa-bili din kasi kuya ko nung binili na bracelets last time eh. Tapos we searched for gift items for my friends na alam kong binabasa nila ngayon tong blog ko kaya hindi ko pwedeng sabihin dito. HAHA! Hindi ko pa binili ngayon kase wala na kong pera chaka hindi pa naman ngayon kailangan. Pumunta din kami sa Shopping Center at binisita yung shop na gusto namin dun. Kaso wala nang maganda dun. Nag-zagu ako after that. Eto;
Tindera: Ma`am, CRYSTAL lang po, hindi PEARL?
Mama: Oo, walang PEARL.
Tangna. Pinipigilan ko yung tawa ko. Nakwento kasi sakin ni Crystalline yun eh. Yung CRYSTAL or PEARL sa Zagu. Shempre Crystal na yung pinili ko no. :)))

Ayun. Bago umuwi, dumaan muna kami sa KFC sa Delta para bumili ng dinner namin ng ate ko. Tas umuwi na kami. After ng dinner, nag-rewrite lang ako ng konting notes sa math tapos nag-blog na ako. Ayun. Super Fun day. Thanks kayla Crystalline at Alexis. Haha! Byeeee! :*

L!

Friday, November 19, 2010

Grades! :O

Even if na-disappoint ako sa rank ko, masaya na ko sa card ko kasi atleast, walang line of 7. Meron akong reward na Php1,500.00 from my parents. Haha! Kaso lang sobrang sumabit yung 3 major subjects. Mukhang pinag-usapan ah? Puro 80. Hahaha! Buti na lang wala talagang line of 7. Whoo, success! :))


L!

Thursday, November 18, 2010

Rainbow. :)

I`ve always loved Rainbow.
When I was younger, I always have colored pens and when I write, every letter has a different color according to the arrangement of Rainbow Colors which is the ROYGBIV.
R - Red
O - Orange
Y - Yellow
G - Green
B - Blue
I - Indigo
V - Violet

This is because why I`m so obsessed with Rainbow now.
Rainbow things that I have:

Rainbow Notebook

Rainbow G-Tech Pen

Rainbow Cellphone Lace

Rainbow Colored Pens

Rainbow Lollipop Sticker

Rainbow Necklaces

Rainbow Earrings

and
Rainbow Bracelets




All in all, these are my Rainbow things...


Actually I have Rainbow Themes in my phone but of course I can`t get a photo of my phone if I`m using my phone itself. :))))

My life is like a Rainbow because it`s very colorful with the people around me that adds more color to it everyday. :)

L!