BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, November 14, 2010

:|

Meron lang akong ishe-share. Kaninang uwian nung nasa bus na ako, ang katabi ko si Jorelle at si Adriel. Then sabi ni Jorelle, "Ayan nanaman yang maangas na Dominic na yan." Tapos nagulat ako. Parang hinanap ko siya bigla. Tas nakita ko papunta sa bus namin. Nung nakita ko siya, NR lang ako. As in, No Reaction. :| Tapos pinalo ko si Jorelle. Sabi niya, "Bakit? Crush mo pa din ba siya?" Sabi ko hindi. Kasi hindi naman talaga. HAHA! Tapos nung lumampas na sila, naka-yuko lang ako. Pag-lampas nila, sabi sa akin ni Alex, "Ui, nakatingin siya!" Sabi ko naman, "Huh? Sino?" Sabi niya, "Si Dominic." Sabi ko, "Kanino?!" Sabi niya, "Sayo."

After nun, sumagi na lang sa isip ko kung bakit niya ko tinignan. At kung anung iniisip niya habang naka-tingin siya sa akin. At kung anung naisipan niyang tignan ako. Bakit nga kaya? Hay.

0 comments: