Kanina, 4th period. Walang teacher. Walang substitute. May kanya-kanyang mundo ang mga kaklase ko. Lalo naman ako. Sumilip ako sa bintana kung saan makikita mo yung Capitol Medical Center. Bigla kong naalala yung kinantahan niya akong ng buong kanta ng When You`re Gone. And that was the day before our field trip last 2nd Year. Nung patapos na niyang kantahin sa akin yun, umiyak ako ng tahimik at dahan-dahan. Eh nung time na sumilip ako sa bintana, naalala ko na hindi pa rin siya nakakapasok sa school.
Lumapit ako kay Honney. Sabi ko sa kanya, "Honney, ito ang tamang panahon na nababagay sa akin ang kantang "When You`re Gone"." Tinanong niya kung bakit. Sabi ko, "Wala pa siya eh. :(" Kinwento ko sa kanya yung napanaginipan ko about him. Nung nasa part na ako na sinulat niya sa papel yung, "Hindi. Namimiss ko na nga siya eh.", naiyak ako. Pnipigilan ko lang yung sarili ko na huwag nang umiyak kasi akong mag-eskandalo at ayokong humagulgol. Sobrang namimiss ko na siya. Pinaalala din sa akin ni Honney yung gabi-gabi kaming magkausap sa phone. Andami naming pinag-samahan. Andamin naming nagawang memories.
Kasalanan ko din naman kung bakit nawala ang lahat eh. Kasalanan ko. :'|
1 comments:
OUCH :| Ako din, kasalanan ko din ata.
Post a Comment