BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, August 24, 2010

New Seating Arrangement.

Dahil 2nd Quarter na, panibagong seating arrangement nanaman. Kung nung 1st Quarter, nasa kasuluk-sulukan at kadulu-duluhan ako, ngayon naman maganda na pwesto ko. Nung una pinapunta ako sa second row sa second column na malapit sa pintuan. Eh ayoko dun kasi gilid nanaman. Pinakagusto ko talaga sa may isle. Edi naghanap ako ng mga taong pwede akong makipagpalit. Nung una dapat kay Khayte, kaso katabi niya si Lilian, best friends pa naman sila. Sunod akong nakipagpalit kay Clyde. Kaso ayaw niya rin. Kay Kyle naman ako nakipagpalit pero hindi din sha pumayag. Ayaw din ni Ralfh nung nakipagpalit ako sa kanya. Tapos, nung nakipagpalit na ko kay Rick, pumayag na sha. Edi  nasa second row pa rin ako, pero sa 5th column na malapit sa isle. Tapos hindi pala na-gets ni Rick na yung pakikipagpalit kong iyon ay para sa buong 2nd Quarter. Akala niya for the meantime lang. Eh binago ko na din nga yung nasa seat plan namin eh. Pero okay lang naman daw sa kanya.

Kaso nung Math time na, naingayan si Sr. Diaz. Yung iba kasing magkakaibigan malalapit lang sa isa`t isa. Kaya pinabalik kami sa seating arrangement namin nung 1st Quarter. Yung pwesto kung saan nasa kasuluk-sulukan at kadulu-duluhan ako. Hay nako. Eh yung purpose ko nga kaya ako nakipagpalit para pag Math time hindi ako nahihirapan intindihin yung lesson eh.

Pero okay na rin. Kasi nakakamiss din yung mga kalokohan ng row namin nila Nicki, Jacob, Khayte at Raphael. Lagi kaming naghaharutan. Chaka mahilig din kasi mag-kwento si Khayte tungkol sa mga multo, engkanto, halimaw at iba pang mga horror. Kahit papano para kaming nag-rereunion pag Math time. :))

0 comments: