BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, August 25, 2010

RESTy MODE. =))

Grabe. Sobrang bumenta sa akin 'tong pangyayaring 'to. According to Amiel Barrato 3-Masinop, palum-palo daw sa akin. Hahaha!

Kasi ganito yun, kahapon ng homeroom time, nasa front row ako kung saan katabi ko sa left side si Crystalline tapos katabi ko si Ira sa right side tapos katabi ni Ira si Amiel. Nag-announce si madam ng something tungkol sa field trip. Tapos pinagalitan yata si Jemm at pinatayo sa harap. Sabi ni Madam Ramilo kay Jemm na sabihin niya sa klase namin kung anung attire sa field trip. Tapos nung sinabi na ni Jemm. Sabi ni Madam, "Tingin mo ba naririnig ka ng mga tulog nakaklase mo?" Tapos biglang may nag-sabi na, "Si Resty po, tulog ng tulog!" Tapos sabi naman ni Jemm, "Kaya nga Resty eh. REST-y." After sabihin ni Jemm yun, finigure out namin yung sinabing niyang "Kaya nga REST." Tapos nung na-gets na namin, sobrang tawa kami ng tawa nila Crystalline, Ira at Amiel. Tapos ako yung pinaka-tumatawa kasi talagang bumenta sa akin. Sabayan mo pa ng tawa ni Amiel na nakakatawa din. Isipin mo naman, ang laki-laki ng boses niya tapos yung tawa niya dere-deretso. Walang preno! Tapos si Ira din naloloka na kasi napagigitnaan siya ng mga taong tawa ng tawa ng tawa which is kami yun ni Amiel. Hanggang kanina nga pag nakikita ko si Resty at Amiel natatawa pa rin ako about dun. At hanggang ngayon din na tinype ko `tong blog na `to ay tumatawa pa rin ako. Kanina nga pulang-pula na daw ako. At ang sakit sakit na rin ng tyan ko kakatawa. =)))))))))))))))))))

Grabe, hindi ako naging malungkot ngayong araw na `to dahil tawa ako ng tawa tungkol dun. Binad sign pa nga ako ni Resty kasi pinagtatawanan ko siya ng sobra eh. Eto pa, napag-usapan namin kung bakit naging Resty yung pangalan niya. Tapos sabi ni Resty na yun din daw kasi yung pangalan ng tatay niya. Tapos sabi ni Amiel, "Tulog din ng tulog yung tatay mo?!" Pagkatapos nun, wala nang nakapagsalita sa amin kasi tawa kami ng tawa. Naunahan nga ako ni Amiel eh, dapat sasabihin ko rin na tulog ng tulog yung tatay niya. HAHAHA! =))))))))))))

Kaya ko naman nilagay na RESTy Mode kasi kanina si Amiel dapat matutulog. Eh bigla akong dumating tapos katabi niya si Crystalline. Sabi ni Amiel, "Resty Mode muna ako. :))". Tapos sabi ko, "Sige, yun na lang yung term kapag matutulog na. =))". Sabi naman ni Crystalline, "Ahahah, isa-status ko nga yun. Resty Mode. :))". Sabi ko naman, "Ib-blog ko yun! =))". Tapos nag-tawanan na kaming tatlo. Kaya eto. Sobrang haba na ng blog ko. Haha! :)))))))

Whoo! Ang saya ng araw na `to. Sobrang na-enjoy ko. Sana lagi na lang akong tumawa ng tumawa para masaya. Hahaha! =))))))))))))))))

0 comments: