Last day of Fair. Aw. :(
Na-late ako ng gising. Kaya nagmadali ako. Sinundo kami ng bus 11 ng mga quarter to 7. Pagdating sa school, si Alex muna yung kasama ko kasi wala pa si Crystalline.
Nakita ko si Joseph Ballano. Ganun pa rin siya. Nakakatawa pa rin. :)) Nung nakita namin si Derick, iniwan ko na si Joseph. Haha! Pinakilala pa ko ni Alex kay Derick. Haha. Ang gwapo niya talaga. Dapat hihingin ni Alex number ni Derick kaso di daw kabisado ni Derick so binigay na lang ni Alex yung number niya kay Derick. Maya-maya, inikot lang namin yung school kasi nga hinahanap namin si Derick. Tas nasa main canteen lang pala siya. Nage-emote dun sa may poste. Haha. Edi pinuntahan namin. Chinika ni Alex. Tas kinalkal ni Alex bag ni Derick. Nakita niya yung pabango ni Derick tas inamoy niya. Tas binigay niya sa akin tas inamoy ko. Tas binibigay ko kay Derick kaso si Alex yung kumuha. Haha. Ang bango niya. Tas hineram ni Alex yung phone ko. Pinicturan niya ng stolen si Derick. Tas binigay niya sa akin. Tas in-adjust ko yung mode nung camera ng phone ko tas habanag binibigay ko kay Alex, parang binulungan ko siya na sabi ko, "Isa pa." Tas pinakiusapan ni Alex si Derick na mag-smile. Kaya yun, may maayos na picture na. Haha! Ang gwapo niya talagaaaaaaaaaaaa. :""""""""""""""""""""""""""""""""""">
After nun, umalis muna kami para hindi mahalata. Hahahahahahahaha. Inikot lang namin ng isang beses yung school tas bumalik kami sa main. Eh nandun na yung friend niya. Tumambay lang kami sa labas ng school supplies na canteen. Kasam na namin nun si Glen at Danica. Tas nakausap ko dn si Derick. Kinwento ko yung 2nd place sila sa inter-rock-tion tas may certificate tas na kayla Karla yung Certificate. Hahaha. Oo lang siya ng oo. Mahiyain daw yun sabi ni Alex eh. Lalo na daw pag di pa kilala yung tao. Hahaha. Sinave din ni Alex yung number ko sa phone niya pero iba yung pangalan. Kunwari daw number ni Danica. Hahaha.
Ayun, tumigil na yung ulan ng tuluyan tas tinesting yung Octopus. Tas nagkayayaan na mag-octopus. First ride with Alex tas second ride with Danica. Dapat magooctopus kami ni Robb kaso ang tagal kaya iniwan na namin. After nun, kumain muna kami sa main canteen. Malapit kela Derick at Issa. Amp. Pagtapos kumain, dun kami sa may nail art kasi duty nila Alex. Kasama na namin nun si Ayie nung sinundo namin sa Panay. Tas nakita ko ulit si Robb kaya nag-octopus na kami. Tae, tumitili. Malanding bata. Tinitilian yung tenga ko. Tas kung makahawak naman akala mo liliparin na. Nakakatawa talaga siya humawak. Hahaha!
Ayon, pag tapos ng octo with Robb, binalikan namin sila Alex. Tas nagtext si Zita na nasa centro daw siya. edi pinuntahan ko. Tas nakita ko na sila Crystalline, Alyssa at Alexis kaya iniwan ko na si Zita. Hahaha. Octopus agad kami ni Alyssa eh. Haha. Tas tinawagan ako ni Mabeth. Octopus daw kami nila Zita. Libre niya yung isang ride. Edi yun, katabi ko si Zita. So far, siya pa lang yung pinaka-boring kong nakatabi sa octopus. Hahaha, walang reaction eh. Tas ang corny nung sasakyan namin kasi hindi humaharap sa engine. Hahaha. :))))
After that, dumating na si Japz. Tambay lang kami sa may Clinic. Halos lahat yata ng dumaan tinignan si Japz. Tas ang SWET ni Japz at Crystalline. Hahaha. Ayun, nag-octo kami ni Alyssa, Ayesha tas Alyssa ulit. Tumapanag na si Alyssa eh. Hahaha.
Ayun, inubos muna namin yung chits ni Japz tas hinatid namin siya sa Panay. Aww, boring nanaman. Hahaha. Pero hindi naman ganun ka-boring. Nung gabi, open na yung rides. Dinagdagan na lang ni Alyssa ng 21 yung pera ko para makapag-octo kami. Tae, the whole time, sa engine kami nakaharap kahit na nasa baba kami. Kaya buong buo na nakaharap kami sa engine. Ang saya! Hahaha.
Nanuod muna kami sa mga performances ng Hardmob chaka La Salle Greenhills. Grabe, ang hot nila. Tinawag na ako ni Abby kasi napagusapan namin ni Mabeth na ililibre niya ko ng octo. Edi yun, pinakilala ako ni Mabeth sa kasama niyan GWAPOOOO. Oo, gwapo. Hahaha! Eto na, 2 rides kami sa octo. Grabe ha. Nung hindi pa exhibition, halos di tumapat sa engine. Nung exhibition na. BUMAWI! As in walang time na hindi kami nakatapat sa engine. Sinisigaw ko na nga yung pangalan ni Abby eh. As in nung exhibition na nakatapat kami sa engine. Sabi ko, "Abby! Abby! Abby! Abby! Abby!" HAHAHA! Puro lang ako ganyan. Haha, ang saya, grabe.
After ng octopus namin, nakita ko si Alexis pero hindi niya kasama si Crystalline. Tas hinanap ko siya. Sabi niya di daw siya pinapansin nila Alexis kaya di na siya sumunod. Ayun, nag-ikot na lang kami. Nakwento ko sa kanya na may gwapong kasama si Mabeth. Tas nakasalubong namin si Mabeth chaka yung kasama niyang gwapo. Nag-kwento si Mabeth tungkol sa kanila ni James tas naiyak siya. Habang kinocomfort ko siya, naka-tingin ako sa kasama niya. Ang gwapo eh. Haha. Yun.
Nung nasa may gitna kami, nakita kami ni Alexis tas sumama na siya sa amin. Hinanap namin sila Mabeth. Tas nakita namin sa may SJB Lobby. Tas umupo kami sa likod nila. Tinanong ko kay Mabeth kung may girlfriend ba. Sabi niya, "Tol, huwag yan. Playboy yan." Ouch. Oo, nasaktan ako. Sayang gwapo. Sabi ko kela Crystalline, "Tara, alis na tayo." Tinanong nila kung bakit, tas yung kinwento ko. Na-disappoint din sila. Kaya kung ano ano na lang ginawa namin. Dapat mag-ooctopus pa kami ni Crystalline kaso nasaraduhan kami eh. Sayang. Kaya ayun, nag-uwian na. Kasama ko si Mama chaka si Mammu. Tas kumain muna kami sa Shakey's. Yun yung dinner ko. Hahaha.
Ang saya ng College fair. Naka-12 akong octopus ng araw na to. Pero ngayong year, 24 times sa octopus. Hahaha. Lahat na nga yata ng sasakyan ng octopus nasakyan ko na eh. Next year ulit. sana mas masaya. :)
L!