Hello!
This day is not so good because we are not in our aircon room so it's very hot and I get annoyed always. :))
1st Period - Chemistry
Medyo mainit na agad ang ulo ni Sr. Ceraon dahil sa mga tao sa labas ng room. We had a quiz about Balancing Chemical Equation and Types of Reaction and blah, blah, blah. My score is 10 dahil 2 points each. Buti na lang! :)) Tapos I got plus 10 pa kasi sabi ni Sr., may plus 10 daw yung mga nag-bayad na para sa College Fair. So 20 na yung score ko. :)) >:D<
2nd Period - AP
Ayun. Masaya. Nung una, nag-CR kami ni Crystalline. Nauna siyang lumabas ng cubicle. Pag labas ko wala na siya. Ewan ko kung nasan na. Pero nung hindi pa ako lumalabas, narinig ko yung boses ni Madam Amog. Feel ko nag-usap sila. Nung nawala si Crystalline, bumalik na agad ako sa classroom kasi nagbabaka-sakali akong bumalik agad siya. Pag pasok ko sa room, wala siya. Tapos maya maya, pumasok na siya sa room. Sabi ko, "San ka galing?" Sabi niya kinausap daw siya ni Madam Amog tapos may inutos sa kanya. Edi nagpasama siya sa akin na tawagin si Jay at Micah kasama mga Beadle nila. Tapos yun na. Pagbalik namin ng classroom, may activity. Mag-imbento daw ng bagay na makakatulong "yata?" sa environment. So naisip ni Crystalline ay isang fan na kapag dumaan yung maduming hangin sa fan na yun, malinis na pag-labas. Edi yun na din yung dinrawing niya. Tapos naisip kong title ay "Filter Fan". Cool! B-)
Recess Time
We are so craving for Juicy Jelly pero wala. AMPNESS. :|
3rd Period - Math!!!!
Eto na, may quiz kame. Eh yung kalkyu ko, medyo may pagka-low - tech kaya humiram ako kay Badeth ng maayos-ayos na na kalkyu. Haha! Naging okay naman yung quiz. Buti na lang napag-aralan ko yung kalkyu ni Badeth. Haha! Kaya yun, sana naman mapasa ko na yung quiz na yun. Sa isang item lang naman ako hindi sure eh. Yung wala akong sagot dahil nag-error yung kalkyu. HAHA! "KALKYU." =)))))))))
4th Period - English
Nothing new. Boring pa din. :S
Lunch Time
Kumain kami sa room. Then we had a conference with BOOM about Pau. Sinabi na namin lahat ng gusto naming sabihin. Si Alyssa yung pinakagalit. Yung tipong habang nagsasalita siya nararamdaman namin yung init sa katawan niya. Ang sinabi ko naman, yung dahil nga hindi na siya masyadong sumasabay sa amin, hindi na namin alam kung kasama pa ba siya sa group or kung tatanggalin na namin siya. Syempre iniisip din naman namin yung kapakanan niya diba. So ayun, buti naging okay na. At sana maging okay na talaga. :)
5th Period - Filipino
As always, boring. Pero we had a quiz then sulating di-pormal about "Pakikisama sa Kapwa".
6th Period - Computer
Nag-written quiz muna kami then yung Shape Tween na activity. Na-enjoy ko. HAHA!
7th Period - Homeroom
Street Dance elimination round sa Marian Centro tapos inayos ni madam yung seat plan.
L!
0 comments:
Post a Comment