Hello!
Original Classroom and Shorten Period. ;)
Morning
Naka-ramdam ako ng pagka-hilo kasi hindi ako nag-dinner tapos hindi pa ako kumakain ng breakfast dahil naghahanda pa ako ng baon. Muntik na akong masuka nung time na yun. Tapos nag-CR na lang ako. Sobrang pawis na pawis ako tapos gulat na gulat sa akin si mama tas namumutla pa daw ako. Over naman yon. Nagskip lang ng isang meal eh. :))
Flag Ceremony
Sa quad kami. Then nag-extend kami ng 10 minutes dahil may iba pang prayers. Grabe, kapagod ha. Ang tagal naming nakatayo. :))
After Flag Ceremony..
Pinilit ko si Madam Ramilo na gawing 3-4-3 yung formations ng chair. Then yun, sinunod niya ako. Wahaha. >:))
Chemistry
Laughtrip kami. Si Sr. Ceraon kasi ang kulit ng boses. Galit na galit. Pero joke lang yun. Ang kulit ng mukha niya kanina eh. Tapos ginaya niya pa yung ichura ni Ralfh nung nagre-review sha. Si Resty naman, kung maka-tawa. Parang first time eh. :)))))))
AP
Ayun, may pinakopya lang si Madam sa amin tapos kwento lang siya ng kwento. :))
PE
Oo, Tuesday ngayon. Pero nag-exchage period sila ni Sr. Diaz nung Friday na nasa retreat si madam Ng. Nag-practice lang kami ng hiphop routine. Tapos wala kaming nagawa. Kung ano yung galing namin sa music, sobrang taob kami pag dating sa PE. =))
Recess Time
Kumain ako ng lugaw. Para hindi na ako mahilo ulit. After nun, bumili kami ng ticket sa Caterpillar.
English
Gumawa lang kami ng essay about sa long weekend namin. Ayun, dami kong nasulat. Dami kasing nangyari nung long weekend eh. :))
Filipino
Eto na. Yari na kami kasi ang daming hindi gumawa ng Take Home Quiz. Kase naman, alam na nga nilang bawal mag-assignment ng weekends tapos tatanungin pa nila kami. Hindi makaintindi? Edi ayun. Nagmatigas ako. >:)) After that, nanuod kami ng Magnifico. Ayun, kakaiyak. :'|
Computer
Kinumpleto lang namin yung activities. Hindi ko pa rin talaga magawa yung Motion Tween. Footangeenuhhh. :|
Lunch Time
Kumain kami sa lobby. Kasabay namin si Mikka at Johann. Yey! Nakaka-miss sila. :( After kumain, nag-caterpillar kami ni Crystalline. Sa number 7 ulit. Crystalline, next time sa number 8 naman ha? :))))) Nabitin lang kami kasi ang konti nung ikot na mabilis. Ang dami kasing elem. Kami nga lang yung high school sa batch ng pagsakay namin dun eh. Mga isip bata. :))))))
Film Viewing
Ayun, 4th row kami sa gitna sa harap ng audi. Buti nalang, di horror. The Water Horse yung title. Nakaka-inspire nga yung story eh. May nakakatakot, nakakagulat, nakakatawa, at nakakaiyak. Ang ganda. Yun na yung pang-fair na film viewing. :) Nag-plano sila Kaye na mag-practice ng PE sa house nila Ira. Itatry ko pa sanang magpaalam kaso weekdays kasi. Chaka baka gabihin ako kaya wag na lang. :|
Homeroom Time
First, pinabunot kami ni Madam Ramilo ng name para sa Kris Kringle sa Christmas Party then nabunot ko si Elijah. Sshhh! Di ko nga alam kung anung ireregalo ko eh. Hmm.. :| After that, nag-plano na para sa christmas party. Drinks lang dadalhin ko. Lagi naman eh. Simula first year. :)) Then pinlano na di yung games and the whole program. Lahat nga ng bagay may kasamang joke eh. :)) Pano ba naman, si Jem at Ellis yung nasa harap namin. :)))))))))) Curious lang ako kung sino naka-bunot sa akin pero ayokong malaman. :)) ;))
Dismissal Time
Stay lang ako sa bus. Habang pinapanuod ang busmates magkulitan. On the way home, inaakbayan ako ni Jorelle. Syempre hindi ako pumapayag. Katabi ko kasi siya. Tapos porket okay lang sa akin na katabi ko siya, akala niya okay lang din na akbayan niya ko. Ayun, nahampas ko sa tiyan niya, at mga 10 or 20 times na hampas sa right arm niya. Haha, Andun pa naman pinsan niya. Kawawang Jorelle. :)))
Bahay
Pag-uwi ko, nagulat ako kasi nakita ko yung isang Santa Clause na decor namin sa tapat ng pinto sa sahig. Pag tingin ko sa tass nun, nagulat ulit ako kasi nandun na yung malaking christmas tree. Nung isasara ko na yung pinto, nagulat ulit ako kasi nakita ko nandun na din yung maliit na christmas tree. Edi ayun, pumasok pa ako. Eh madilim, habang binubuksan ko yung ilaw, naka-tingin ako sa baba. Nung naka-open na yung ilaw, nagulat ulit ako kasi nandun sa sahig yung isa pa naming Santa Clause na decor. Grabe yun. Kung nakita niyo lang siguro yung reaction ko pag-uwi ko, matatawa talaga kayo. :))))) Nung nag-online na ako, nakipag-chat sa akin si Raphael. Buong araw kasi, malungkot siya. Umaga pa lang. Di naman niya nakekwento sa amin yun. Then yun, kinwento niya na saken. Kekwento ko na lang sayo bukas, Crystalline. :))))))) Ayun, naka-chat ko din si Cedric. OMG. Dami ko tinatarget ngayon ah? :)))))))) Good luck to me. Sana maka-isa sa kanila. :))))
Good Bye, November. :)
L!
0 comments:
Post a Comment