BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, January 20, 2011

BUSY-ness. :S

Hey, guys. Ngayon na lang ulit ako nagkaron ng time na makapag-blog. Wala kasing time eh. Naksss! Haha. Lalo na sa panahon ngayon, late na ako lage umuuwi. Focus kami sa pagpa-practice para sa culminating activity eh. 

Ngayon, wala akong magawa kaya eto. Half-day kasi kami. Ewan ko kung bakit. Hindi na din ako nakapag-practice dahil hanggang 2 lang ako at NAPAKATAGAL ng mga kaklase ko. :S

Later, may ballet. Then tomorrow, contemp and ballet ulit. Minsan nga naiisip ko na rin mag-quit ng ballet eh. Kapag tinatamad na ko, kapag nahihirapan na ko. Pero hindi muna. At hindi sana kasi ang layo na ng narating ko eh. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan I'm almost living my dream? Haha. `Yan lagi kong sinasabi sa sarili ko pag gusto ko nang mag-quit eh. Ayun.

Sana ako na lang si Cardcaptor Sakura. Pag busy ako, pwede kong gamitin yung The Time para i-stop yung time pero nakakagalaw pa rin ako. Para naman hindi ako ma-late sa ballet or sa school, gagamitin ko yung The Dash. Tas para naman mawala sa buhay ko yung mga taong ayoko makita, gagamitin ko yung The Erase. Hahaha! Pag meron akong kailangan puntahan pero hindi pwede, I'll use The Mirror. Pag may kaaway ako, gagamitin ko yung The Power, The Fight, or The Shield. Pwede rin pala yung The Sword. Pag may gusto akong iligaw, The Maze or The Loop. Pag gusto kong lumamig sa Philippines, The Snow! :))
At higit sa lahat, gagamitin ko yung The Fly para naman maramdaman kong malaya ako, kahit isang saglit lang...
Aw! Ang drama ko. Kasi naman eh. Naguumpisa na nga ako maging rebelde kay Mama eh. Ang over protective naman kase. Nakakasakal. Ayun. Wala na akong ibang make-kwento. Next time na lang ulit kung may time na ulit ako. :)

0 comments: