3-MASINOP
August 27, 2010 was 3-Masinop's Field Trip. Kasabay namin yung 3-Mapagtimpi na section nila Alexis at Bernadeth. Nung umaga, picture taking na agad.
Kaso ang tagal ng adviser namin. So hindi kami napunta dun sa SMCQC na bus. Akala nga namin Pintakasi. Pero mas malala.
Shempre yung katabi ko, si Crystalline. Ang ganda nga ng pwesto namin sa bus eh. Hindi sa harap, hindi sa likod. Kaya sa gitna kami. Haha!
Ang kasama naming teacher, si Sr. Diaz.
Ang una naming pinuntahan ay sa Philippine Air Force. At dun din kami nagkaroon ng pinakamagandang picture ng Masinop. Pero hindi pa rin kumpleto kasi may dalawang absent.
Nakapasok din kami sa Private plane ni Former President Marcos. Halata mo ngang matagal na kasi iba na yung amoy. Pero maganda kasi sosyal talaga yung dating. Chaka may place dun na parang room ni Marcos.
Yung next place, Bangko Sentral ng Pilipinas which is pangalawang beses ko na ding napuntahan. Una nung Grade 5. Wala kaming pictures doon kasi bawal daw. Yung next place ay sa National Museum kung saan kami pinakamatagal na nag stay.
After sa National Museum, parang nag-stop over kami sa SLEX sa Caltex para mag-lunch. Pero actually, bago kami makarating sa Caltex, nag-lunch na kami ni Crystalline sa bus. Tapos after namin kumain, ang himbing ng tulog namin. Kaya pag dating sa Caltex, parang nag-dessert na lang kami nila Alexis sa Seattle's Best ng drinks.
Next stop, Gourmet Farm. May mga coffee plant sila and mga vegetables. Ang saya nga dun eh. Kasi sobrang hangin pag dating namin. Tapos nagpapabasa kami sa sprinkle para sa mga halaman. May mga koryano pa nga kaming nakasabay eh. Hahaha!
After namin sa Gourmet Farm, last stop na. :c
Sa Pink Sister's Church. Kaya naging Pink Sister's Church kasi hindi mo daw makikita yung mga madre doon nang hindi naka-pink.
After sa Church, shempre hindi namin pwedeng makalimutan ang pasalubong. Lagi kaming may pinupuntahan na place pag field trip na laging bilihan ng pasalubong. Shempre ang una kong binili, Espasol! Favorite namin yun eh. Tapos bumili din ako ng dalawang oinyang maliliit. 10 pesos each lang yun. Tapos bagong pitas pa. May nakita naman ako na keychain na guitar na color silver. Shempre binili ko para dagdag sa collection. Chaka necklace na bike nabinili ko para sa kuya ko. Mahilig kasi sha mag bike. Nakalimutan ko nga lang bilhan yung papa ko kasi bike as bike na may motor talaga yung kay papa.
May time nga sa bus na para kaming nagpaparty. Sobrang ingay tapos may soundtrip. Tapos vinivideohan ng mga classmates ko yung mga nagpaparty sa likod. Hahaha!
On the way home, nag ghost stories lang kami. Yung iba nasa likod tas kaming nasa gitna nagg-ghost stories din. Nagkakatakutan na kaya bigla na lang kamin nag-dasal. Nag-rosary pa nga yung nasa likod eh. Tapos super ihing-ihi na ako nun. Kaya hindi ako mashadong maligalig. Chaka natatakot ako kasi baka matagusan ako. Kaya pag dating sa school, sakto andun na si mama tapos nag-CR agad kami ni Crystalline. Sabay pa kami sa cubicle kasi ayaw niyang mag-isa sa cubicle nung time na yun. Sigaw pa sha ng sigaw habang umiihi ako kaya natetense ako lalo. Haha!
Pero our field trip was worth it. Kahit na hindi maganda yung bus. Kinalimutan na lang namin yun. Ang mahalaga kasi, mas naging united kami.
WE`RE 3-MASINOP! ♥